(NI HARVEY PEREZ) ITINALAGA ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Assistant Secretary at Deputy Director General Melvin Ramon G. Buenafe, bilang Officer-in-Charge ng Bureau of Corrections (BuCor). Nabatid sa ipinalabas na Department Order 469 ni Guevarra, si Buenafe ang pansamantalang magiging kapalit ng nagbitiw na si dating BuCor chief Nicanor Faeldon. Kasabay nito, bumuo rin si Guevarra ng komite na pamumunuan ni Justice Undersecretary Deo L. Marco, Assistant Secretaries Neal V. Bainto at George Ortha II para magpatupad ng close administrative supervision sa BuCor. Ito umano ay hanggang hindi pa nakapipili…
Read More