(NI BERNARD TAGUINOD) AYAW isuko ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Charter Change (ChaCha) kaya umapela ang mga ito sa mga senador na “buksan ang kanilang isip” sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas. Sa panayam ng mga mamamahayag kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chair ng House committee on constitutional amendments, hindi aniya isara agad ng mga senador ang kanilang pintuan sa ChaCha. “I really appeal to our good senators. Instead of brushing aside our proposals for them to really study because there are four proposals which…
Read MoreTag: chacha
SOTTO: CHACHA PAG-UUSAPAN SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) “WALANG mangyayaring bastusan.” Ito ang siniguro ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isinusulong na Charter Change resolution sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ng mga kongresista. Ayon kay Sotto, hindi mapipigilan ng Senado ang mga kongresista sa nais ng mga itong ConAss sa oras na ibigay ito ng Kamara. “Dadalhin nila sa amin eh, di pag-uusapan namin kung ano ‘yung dadalhin nila sa amin, dadalhin namin sa committee, pag-uusapan du’n. Ganu’n lang. Ibig sabihin hindi namin siguro naman babastusin ‘yun or sasabihin ‘pag dinala dito ‘ayaw…
Read MoreKAMARA SA CHACHA: ‘WAG MANGARAP NANG GISING — DRILON
(NI NOEL ABUEL) PINAYUHAN ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga kongresista na nagpupumilit na isulong ang Charter (Chacha) na siguraduhin na mayroong return address ang mga ito. Paliwanag ni Drilon, nangangarap lamang ng gising ang mga kongresistang nasa likod ng Chacha dahil sa hindi ito prayoridad ng Senado. Idinagdag pa nito na mismong si Senate President Vicente Sotto III ang nagpahayag na walang oras ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para sa pagsusulong ng Saligang Batas. “If the House of Representatives would insist on passing Cha-cha, make it a…
Read MoreCHACHA MALAKI ANG PAG-ASANG LUMUSOT SA DUTERTE ADMIN
(NI BERNARD TAGUINOD) KUMPIYANSA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mailulusot ang Charter Change (Cha Cha) para magkaroon umano ng pagbabago sa ekonomiya at political landscape sa bansa. Ito ang pahayag ni House committee on constitutional revision chairman Rep. Rufus Rodriguez matapos ilusot sa kanyang komite ang Resolution of Both Houses para amyendahan ang 1987 Constitution. “Malaki ang chance dahil we are trying to push economic and political changes. We have to have stability and more time for local official to perform,” pahayag ni Rodriguez. Ayon sa mambabatas, tanging…
Read MoreBARANGAY OFFICIALS ‘DI KASAMA SA TERM EXTENSION
(NI BERNARD TAGUINOD) ETSAPUWERA o hindi kasama sa term extension ang mga barangay officials kapag nagtagumpay ang Kongreso na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng lehislatura. Sa inaprubahan ng Resolution of Both Houses sa House committee on constutional amendments sa isang Executive session kamakalawa ng gabi, tanging ang mga local official o ang mga municipal at City Mayors, vice mayors, city councils, governors, vice governors at provincial board members ang papalawigin ang termino sa ilalim ng nasabing panukala. “The term of office of elective local officials, (except barangay officials,…
Read MoreCHINA MAKIKINABANG SA CHA CHA
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong higit na makikinabang sa Charter Change (Cha Cha) na nakalusot na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay hindi ang mga Filipino kundi ang China na kaibigan ng administrasyon. Ito ang paniniwala ni ACT party-list Rep. France Castro matapos aprubahan sa House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Resolution of Both Houses para amyendahan ang 1987 Constitution. Ginawa ni Castro ang pahayag dahil bukod sa pagpapalawig sa termino ng mga halal na opisyales ng…
Read MoreTAUMBAYAN MAGDEDESISYON SA CHACHA — NOGRALES
(NI CHRISTIAN DALE) NANANATILING nasa mga kamay ng mga Pilipino ang kapalaran ng pag-amiyenda sa Saligang Batas na naglalayong amiyendahan ang probisyon sa pagnenegosyo at isahang boto para sa Presidente at Bise-Presidente. Pahayag ito ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles kasunod ng pagbuhay ng Kamara sa Charter Change o chacha. Aniya, nasa committee level pa lamang ito sa House of Representatives at marami pang dadaanang debate ito sa mga mambabatas. Hindi pa aniya tiyak kung papaboran ito o kokontrahin ng mga senador kaya aasahan ang mainit na debate sa…
Read MoreCHA CHA INILUSOT NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) INILUSOT na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “legislative” Charter Change (Cha Cha) sa isang Executive session na isinagawa ng House committee on constitutional amendments. Ito ang isiniwalat ng Makabayan bloc sa Kamara sa press conference ng nasabing grupo nitong Huwebes sa Kamara kung saan bukod sa pagbubukas sa ekonomiya ng bansa sa mga dayuhan ay palalawigin ang termino ng mga halal na opisyal at isang boto na lamang ang kailangang para sa presidential at vice presidential candidate. Hindi sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate…
Read MoreCHA CHA ‘DI PRAYORIDAD NG KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T hindi direktang sarado ang kanilang pintuan sa Charter Change (Cha Cha), hindi umano prayoridad ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na amyendahan ang 1987 Constitution. Sa press conference nitong Martes, sinabi ni House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez, na hindi umano top priority ang Cha Cha dahil hindi pa umano nila nakakausap ang kanilang counterpart o ang mga senador. “As I said, we have not touch based with our fellow stakeholders, our senators, so may be a priority but not a top priority at this…
Read More