(NI ABBY MENDOZA) MULING inihain ngayong Miyerkoles sa House of Representatives ang panukalang nag-aamyenda sa ilang probisyon ng 1987 Constitution. Sa House Concurrent Resolution 1 na inihain ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, sinabi nito na malaki ang pangangailangan para baguhin ang 31 taon nang Philippine Constitution para umakma sa kasalukuyang panahon. Sa panukala ni Rodriguez, isinusulong nito ang Presidential Bicameral-Federal System of Government kung saan kinonsidera umano nito ang Consultative Commitee na pinamunuan nina Chief Justice Reynato Puno sa paghahain ng panukala. Sa panukalang inihain ni Rodriguez ay…
Read MoreTag: chacha
16.6-M BUMOTO KAY DU30 NADARAGDAGAN — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) IMBES na mabawasan ang 16.6 million Filipino na bumoto kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election, lalo pa itong nadaragdagan habang tumatagal. Ganito inilarawan ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., ang resulta ng Pulse Asia survey kung saan nakakuha si Duterte ng 85% trust at performance ratings sa gitna ng mga mga kontrobersya na ipinupukol dito. “The high approval rating President Rodrigo Roa Duterte earned clearly shows he has gained the support not just of the 16.6 million who voted for him three years…
Read MoreKAMAY NG CHINA SA CHA CHA, NAGPAPARAMDAM
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinaisantabi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may kamay ang China sa Charter Change (Cha Cha) na isinulong ng Duterte administration dahil mawawala na ang hadlang sa mga Chinese nationals na makapagnegosyo at makapagtrabaho sa Pilipinas. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, kailangang hadlangan ng mamamayang Filipino ang Cha Cha na prayoridad umano ni incoming House Speaker Allan Peter Cayetano dahil kung hindi ay makokontrol na ng China ang ekonomiya ng bansa. “This Cha-cha will not only open up the Philippines…
Read More