(NI JEAN MALANUM) WALANG hindi naaayos kung pag-uusapan. Ganito ang nangyari sa pagitan nina Hidilyn Diaz at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez kamakalawa, upang resolbahin ang problema ng Olympic silver medalist hinggil sa umano’y kakulangan niya ng pinansyal na suporta na idinaan niya sa social media. Matapos ang pag-uusap ng dalawa, nangako si Ramirez na patuloy na susuportahan ng gobyerno ang kampanya ni Diaz para sa Tokyo 2020 Olympics. “We have pledged our support before, and we will continue to do so because we are focused on that…
Read MoreTag: CHINA
TULFO MANANATILING SPECIAL ENVOY SA CHINA
(NI BETH JULIAN) PINALAWIG pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Ramon Tulfo bilang Special Envoy for Public Diplomacy to China. Ipinalabas ng Malacanang ang appointment paper na may petsang May 27. Si Tulfo ay una nang itinalaga ni Pangulong Duterte sa parehong posisyon sa loob ng anim na buwan simula noong Oktubre 2018 at pinalawig pa ito ng anim pang buwan. Kasama ring inilabas ng Palasyo ang appointment paper para sa bagong National Statistician ng Philippine Statistics Authority sa katauhan ni Undersecretary Claire Dennis Mapa para sa limang…
Read MorePAGTAAS NG PRESYO NG KARNE NG BABOY ASAHAN
(NI DAHLIA S. ANIN) DAHIL sa epekto ng African Swine Fever (ASF), asahan na umano ang pagtaas ng pressyo ng karne ng baboy sa mga susunod na buwan, ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA). Pinakaapektadong bansa ang China ng ASF, na siyang pinakamalaking pork producer sa buong mundo. Kaya naman upang masiguro umano ng China na sapat ang kanilang suplay ay binibili nila ang lahat ng imported na karne sa buong mundo, ayon sa MITA. Ilan sa mga inaasahang tataas ang presyo ay ang imported na ham, tocino,…
Read More$ 10-B INVESTMENT MAIUUWI NG PANGULO – DTI
(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa apat na araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ikalawang Belt and Road Forum (BRF) sa Beijing, China ay inaasahan muli umano ng Department of Trade and Industry (DTI) na makakapag-uuwi ng panibagong $10 billion na bagong investments at trade deals ang Pangulo. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mayroong kabuuang 190 na mga business leaders mula sa iba’t ibang mga bansa ang makikibahagi bilang private sector sa ikalawang BRF. Ang nasabing panibagong investments at trade deals ay makagagawa umano ng mahigit na 20,000 bagong…
Read MoreDUTERTE MAY PABAON SA MGA SISIBAKING OPISYAL
(NI BETH JULIAN) TIYAK na nakararamdam na ng nerbiyos ang ilang opisyal ng pamahalaan matapos i-anunsyo na bago tumulak patungong China ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mag-iiwan ito ng mga letters of dismissal. Si Duterte ay bumiyahe na Miyerkoles ng hapon patungong Beijing, China para sa Belt and Road Forum at bago ito umalis ay nag iwan ito ng mga nilagdaang dismissal order. Gayunman, tumanggi pa ang Pangulo na tukuyin kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na apektado ng sibakan sa pwesto. Ayon sa Pangulo, bagama’t hindi ito lubos…
Read MoreDU30 ‘DI MAKAKA-BONDING ANG MGA OFWs SA CHINA
(NI BETH JULIAN) WALANG pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte na makasalamuha o makaharap ang mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa China. Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Asian Pacific Affairs Meybardo LB Montealegre, na sinabing masyado nang puno ang schedule ng mga aktibidad ng Pangulo gaya ng hiwalay na bilateral meeting nito kasama si Chinese President Xi Jin Ping at Chinese Premier Li Keqiang. Gayunman, kinumpirma ni Montealegre na walang natatanggap na imbitasyon ang gobyerno para sa pakikipagpulong ng Pangulo para iba pang dadalong lider…
Read MoreCHINA PINASASAGOT SA DIPLOMATIC PROTEST NG DFA
(NI BETH JULIAN) BINIBIGYAN ng pagkakataon ng Malacanang ang China para sagutin ang diplomatic protest sa inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa presensya ng Chinese Maritime Militia vessels sa Pagasa Island. Sa press briefing sa Malacanang, ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na alinsunod sa proseso ay binibigyan ng sapat na panahon ang respondent na pag-aralan ang reklamo o note verbal o protesta na inihain laban sa kanila ng isang bansa. Sinabi ni Panelo na sa ngayon ay wala pang tugon si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa…
Read MoreZHAO NAKIUSAP SA MAKATAONG TRATO VS ILLEGAL CHINESE WORKERS
(NI BETH JULIAN) NANAWAGAN si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na tratuhin ng makatao ang mga illegal Chinese workers na nahuhuli sa bansa tulad din ng pagtrato ng China sa mga Pinoy workers sa kanilang bayan. Aminado rin si Zhao sa pagdami ng mga Chinese workers sa bansa gayundin ang posibilidad ng illegal Chinese workers na nakapagtatrabaho. Gayunman, sinabi ni Zhao na wala itong pinag-iba sa kanilang bansa sa China kung saan marami ring mga Pilipino ang ilegal na nagtatrabaho. Iginiit ni Zhao na mahigpit nilang sinusunod…
Read MoreCHINA NAKAALERTO SA PH-US BALIKATAN EXERCISE
(NI JG TUMBADO) ARAW ng Lunes ang pormal na pagbubukas ng balikatan war exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa. Kasabay nito, nakaalerto naman ang China sa Scarborough Shoa, isa sa piling pagdarausan ng PH-US Balikatan exercise. Bago pa man ang joint military exercise, ay may mga presensya na umano ng ilang mga barkong pandigma ng China ang naka antabay na para magbantay sa paligid ng Scarborough shoal. Bilang pang umpisa, ang opening ceremony ay gaganapin sa Camp Aguinaldo sa Quezon City…
Read More