PAGKONTROL NG CHINA SA POWER GRID SYSTEM NG PH, BUBUSISIIN

doe

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Risa Hontiveros na busisiin ng Senado ang sinasabing pagpasok at pag-kontrol ng China sa power grid system ng Pilipinas. Sa kanyang Senate Resolution 223, isinusulong ni Hontiversos ang pagsasagawa ng imbestigasyon ‘in aid of legislation’ at national security audit sa operasyon at mga pasilidad ng National Grid Corporation (NGCP), ang power transmission service provider ng bansa. Sa tala, 40 percent ng NGCP ay pag-aari ng State Grid Corporation of China. Iginiit ni Hontiveros na sa pamamagitan ng audit, marereview at ma-eevaluate ang performance ng…

Read More

DOE KINALAMPAG SA ‘DI PAGTUPAD SA PAGBIBIGAY NG KURYENTE

doe

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Win Gatchalian ang hindi pagtupad sa ipinangakong pagbibigay ng kuryente sa mga liblib na lugar sa bansa. Ayon kay Gatchalian, base sa report ng Commission on Audit (COA),  sa 450,000 bilang ng bahay na target na kabitan ng kuryente ng DOE noong nakaraang taon, 77,121 lamang o 17.14% ang natupad, samantalang 705 sitio lamang ang nabigyan ng elektrisidad ng National Electrification Administration (NEA) mula sa dapat sana’y 1,259 noong September 30, 2019. Nakatakdang dinggin ng Senado ang panukalang budget ng DOE na humihingi ng…

Read More

MANIPULASYON SA PRESYUHAN NG LANGIS SISILIPIN

(NI ABBY MENDOZA) HINILING ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa House of Representatives na imbestigahan ang posibleng pagmamanipula sa presyo ng produktong petrolyo. Sa House Resolution 390 na inihain ni Quimbo, sinabi nito na dapat ungkatin ng Kamara ang biglaang pagsipa ng presyo ng langis noong nakaraang Linggo gayong malinaw sa circular ng Department of Energy na dapat mayroong imbentaryo ng suplay ng langis ang mga oil companies para sa 15 araw habang ang mga refinery ay hanggang 30 araw. “Sabi ng DOE, as of June 2019, ang imbentaryo ng…

Read More

ENERGY SECURITY PLANS NG DOE TUTUTUKAN NG SENADO

doe

(NI NOEL ABUEL) IIMBESTIGAHAN ng Senado ang energy security plans ng Department of Energy (DOE) kung sapat ang supply ng langis sa bansa kasunod ng pag-atake sa pasilidad ng Saudi Arabian Oil Company’s (ARAMCO) kamakailan. Ayon kay Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, nais nitong matiyak na naghahanda ang DOE sa magiging epekto sa supply ng produktong petrolyo sa bansa upang hindi mahirapan ang mga motorista. “The DOE, as the primary agency in charge of planning and implementation of comprehensive programs for the supply of energy, needs…

Read More

SUPPLY SAPAT PERO PRESYO NG LANGIS SISIRIT

oil1

(NI ROSE PULGAR) TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat pa ang suplay ng petrolyo ng Pilipinas ngunit aasahan ang posibilidad na pagsirit sa presyo nito dahil sa epekto ng pagsalakay sa dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia. Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na may ‘oil inventory’ pa na aabot sa isang buwan ang Pilipinas, mas mataas sa 15 araw na requirement ng DOE. “Ang inventory natin, andiyan eh. We don’t see the problem of supply. Ang problema dito is ‘yung impact on the price,” ani ni…

Read More

KAKAPUSAN NG LANGIS AAGAPAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na agapan ang posibleng kakapusan ng suplay ng langis sa bansa kasunod ng drone strike sa Saudi Arabian oil facility. Sinabi ni Gatchalian na kailangan bumalangkas ang DOE ng energy security sa pamamagitan ng paghahanap ng iba’t iba pang oil supplier. Iginiit ng senador na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang dagdag na bigat sa pasanin ng mga consumer. “The surge of global oil prices as a result of the recent devastating drone strike on a Saudi…

Read More

DOE BINATIKOS SA PATULOY NA PAGGAMIT NG CARBON

doe

(NI ABBY MENDOZA) BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng konsyumer na tagapagtaguyod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o carbon. Dahil dito, nanawagan ang mga miyembro ng Power for People (P4P) coalition kay Energy Secretary Cusi na huwag nang magpatumpik-tumpik at ipatupad ang implementasyon ng nasabing…

Read More

TRO VS DETALYADONG PRESYUHAN SA LANGIS HININGI

oil

(NI ROSE PULGAR) UPANG mapigilan ang pagpapatupad ng ‘unbundling policy’ sa mga produktong-petrolyo, humirit ng magkahiwalay na temporary restraining order (TRO) ang kumpanyang Pilipinas Shell at Petron laban sa pamunuan ng Department of Energy (DOE). Nitong Huwebes ay humingi ng TRO ang Shell sa Taguig City Regional Trial Court habang isang pang korte sa Mandaluyong City na kung saan nagpasaklolo naman ang Petron Corporation. Nauna nang gumawa ng kahalintulad na hakbang ang mga grupo ng Petroleum Institute of the Philippines (PIP) sa isang korte sa Makati City noong nakaraang buwan.…

Read More

PAGHIMAY SA PRESYO NG OIL PRODUCTS TINUTULAN  

doe

(NI ROSE PULGAR) NAGHAIN ng petisyon ang grupong Philippine Institute of Petroleum Inc. (PIP) sa korte  para ipahinto ang pagpapatupad sa kautusan ng Department of Energy (DoE) na “unbundling”o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo. Inihain ng PIP sa korte ang “Petition for Declaratory Relief with Application for a Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction” laban sa Circular no. DC2019-05-0008 ng DoE. Sa Hunyo 29 na epektibo ng naturang circular order. Sa utos na ‘unbundling’, obligado ang mga kumpanya ng langis na ipaalam sa DoE ang detalyadong computation at…

Read More