DOKTOR SA PMA HOSPITAL PINATATANGGALAN NG LISENSIYA SA PRC

(NI HARVEY PEREZ) PINATATANGGALAN ng lisensiya  sa Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa kasong malpractice ang apat na doktor sa Philippine Military Academy (PMA) Hospital dahil sa pagkamatay ng PMA Cadet na si Darwin Dormitorio. Nabatid na inireklamo ng pamilyang  Dormitorio sa PRC ang mga doktor na sumuri kay  Dormitorio noong Setyembre 18  makaraang mabiktima ng hazing o pananakit ng mga upperclass men nito sa PMA. Nabatid na reklamong administratibo o medical malpractice ang ikinaso ng pamilya Dormitorio laban sa mga doktor ng PMA Hospital na sina Captain Flor Apple…

Read More

7 PMA CADET KINASUHAN NG MURDER SA DORMITORIO HAZING

PITONG kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang kinasuhan ng murder, hazing sa pagkamatay ni cadet Darwin Dormitorio. Isinampa ng pamilya Dormitorio ang kaso kay Baguio City Prosecutor Erwin Sagsago, nitong Martes. Kabilang sa kinasuhan sina PMA Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena and Rey David John Volante, Cadet 2nd Class Christian Zacarias, at Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao. Kasama ring kinasuhan sina tactical officers Maj. Rex Bolo and Capt. Jeffrey Batistiana, at mga doctor na sina Col. Cesar Candelaria, Capt.…

Read More

PMA DOCTORS NA TUMINGIN KAY DORMITORIO PINATATANGGALAN NG LISENSYA 

Rep Alfredo Garbin-2

(Ni ABBY MENDOZA) HIND lamang kasuhan kundi dapat tanggalan na ng lisensya bilang mga doktor ng Professional Regulation Commission(PRC) ang dalawang PMA doctors na tumingin kay PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio. Ayn kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, isa sa may-akda ng Anti-Hazing Law, na malinaw na may kapabayaan ang PMA doctors na sina Captain Flor Apple Apostol at Major Ofelia Beloy na nagbigay ng maling diagnosis kay Dormitorio. “The academy doctors were the last lifeline of Darwin. They failed to save him and stop any harm to his…

Read More

LT GEN NOEL CLEMENT NAG- SORRY  SA PAMILYA DORMITORIO

(NI AMIHAN SABILLO) MISMONG sa harap ng mga kadete, dati at bagong magiging pinuno ng Philippine Military Academy (PMA) ay humingi ng paumanhin si AFP Chief of staff Lt Gen. Noel Clement, sa magulang ni 4th Class Cadet Darwin Domitorio, ang kadeteng namatay sa hazing sa PMA sa Baguio City. Inihayag ni Clement ang paghingi ng sorry sa mga magulang ni Cadet Dormitorio sa kanyang speech sa isinagawang PMA Change of Command. Sinabi pa ni Clement na  hindi sapat ang kanyang paghingi ng paumanhin sa magulang ni Dormitorio pero umaasa…

Read More

IKA-7 SUSPEK SA DORMITORIO HAZING, TUKOY NA

(NI JG TUMBADO) NATUKOY na rin ng Baguio City Police Office (BCPO) ang pagkakakilanlan ng ika-pitong suspek sa hazing at pagpatay kay Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio. Ayon kay Baguio City chief of police Colonel Allen Rae Co, inihahanda na nila ang mga kasong paglabag sa Anti-Hazing Law at murder laban sa suspek. Sinabi ni Co na ang huling suspek ay hindi sangkot sa pananakit kay Dormitorio noong Setyembre 17 ngunit kasama sa mga naunang insidente ng hazing sa kadete. Una nang nakaranas ng pangmamaltrato si Dormitorio…

Read More

LIHAM NG PAGPAPAHIRAP KAY DORMITORIO INILABAS

(NI JG TUMBADO) INILABAS na ng pulisya ang isang liham ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio patungkol sa brutal na sinapit nito sa pamamagitan ng hazing mula sa kamay ng kanyang mga upper classmen. Napag alaman kay Baguio City Police Office (BCPO) Chief Lt. Col. Allen Rae Co, may petsang Agosto 21, 2019 ang liham na isinulat ni Dormitorio isang buwan bago ito pumanaw. Sa nabanggit na liham, idinetalye ni Dormitorio na sinaktan siya nina 3rd class Cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag at isang Cadet Manalo dahil sa paggasta…

Read More

‘DI LANG 3 ANG SANGKOT SA HAZING– PAMILYA DORMITORIO

(NI KIKO CUETO) HINDI kumbinsido ang pamilya ng napatay sa hazing na si Darwin Dormitorio na tatlo lang ang sangkot sa pagkamatay nito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA). “Kami ng tatay ko, hindi kami convinced na ‘yung tatlo lang ang may hand dito,” sabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter sa panayam sa DZBB. “Definitely siguro may iba pang involved na mga kadete, hindi lang namin ma-conclude. Sa amin lang parang ang hirap paniwalaan, dalawang tao tsaka isang senior magagawa talaga ‘yun?” dagdag nito. Kwento ni Dexter,…

Read More