LT GEN NOEL CLEMENT NAG- SORRY  SA PAMILYA DORMITORIO

(NI AMIHAN SABILLO)

MISMONG sa harap ng mga kadete, dati at bagong magiging pinuno ng Philippine Military Academy (PMA) ay humingi ng paumanhin si AFP Chief of staff Lt Gen. Noel Clement, sa magulang ni 4th Class Cadet Darwin Domitorio, ang kadeteng namatay sa hazing sa PMA sa Baguio City.

Inihayag ni Clement ang paghingi ng sorry sa mga magulang ni Cadet Dormitorio sa kanyang speech sa isinagawang PMA Change of Command.

Sinabi pa ni Clement na  hindi sapat ang kanyang paghingi ng paumanhin sa magulang ni Dormitorio pero umaasa silang mauunawaan sila ng magulang ni Dormitorio na sina Retired Col. William Dormitorio at asawang si Jazy Dormitorio.

Tiniyak naman ni Clement sa mga magulang ng mga PMA cadets na sa bagong leadership ng PMA ay hindi na mauulit pa ang nangyari kay Dormitorio.

Iginiit ni Clement na isolated case lamang ang nangyari kay Dormitorio at ang bagong PMA Commandant of cadets aniya ay nagdeklara ng war on hazing at tiniyak nilang mananalo sila.
 

208

Related posts

Leave a Comment