P2.68-B PINSALA NG EL NIÑO SA AGRIKULTURA

El Niño-6

Ni FRANCIS SORIANO TINATAYANG nasa  P2.68 billion halaga ng agrikultura kabilang na ang P1.45 billion tanim na palay ang naitalang pinsala na dulot ng El Niño phenomenon. Ayong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bumuo na ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng Roadmap for Addressing the Impact of El Niño (RAIN), na kapareho nang kanilang binuo noong 2015 para sa food security, energy security, health at safety. Habang nakamonitor naman ang Department of Agriculture (DA) at nakipag-ugnayan na rin sa mga units nito gayundin sa…

Read More

SOUTH COTABATO P100-M NA ANG LUGI SA EL NINO

elnino1

NASA P110- milyon na umano ang naitalang pagkalugi sa pananim sa bayan ng Surallah, South Cotabato dahil sa epekto ng El Nino phenomenon. Sinabi ni Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Action Officer Leonardo Ballon, nasa higit P100-milyon na ang nasisirang pananim na mais galing sa 14 barangay, at nasa halos P6.4-milyon naman ang iniwang lugi sa palayan galing sa 11 barangay dahil sa El Niño phenomenon. Una na ring nagdeklara ng state of calamity ang anim na barangay dahil sa tag-tuyot na kinabibilangan ng Little Baguio, Canahay, Upper…

Read More

WATER CODE PINAAAMYENDAHAN SA SENADO

angara12

(Ni NOEL ABUEL)   PINAAAMYENDAHAN ni Senador  Sonny Angara ang Water Code of the Philippines na nilulumot na kung kaya’t mabagal ang solusyon sa nararanasang problema sa tubig. Ayon kay Angara, napapanahon nang amyendahan ang 43-taong batas dahil na rin sa hindi ito nakatutugon sa problema sa supply ng tubig tulad ng nararanasan sa Metro Manila at karatig lalawigan. At sa panahong nararanasan ang El Nino phenomenon ay dapat lamang na gawin ang dapat ng pamahalaan para mapakinabangan nang marami. “Every year the country struggles with severe El Niño events.…

Read More

P420-M CROP INSURANCE HANDA NA SA APEKTADO NG EL NINO

elnino2

HANDA na sa susunod na dalawang linggo ang kabuuang P420 milyong insurance claims sa buong bansa para sa mga magsasakang nalugi o namatay ang mga pananim dahil sa tagtuyot dulot ng El Nino phenomenon, ayon sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) Ang tagtuyot ay inaasahan sa buong panahon ng summer kung saan naapektuhan na ng limang porsiyento ang produksiyon ng bigas sa unang tatlong buwan, ayon sa pagtatala ng gobyerno. Posible rin umanong maapektuhan ang industriya ng asukal na makuha ang taunang US quota para sa kasalukuyang taon dahil nakatuon…

Read More

HIGIT SA P800-M NA PINSALA NG EL NINO SA AGRIKULTURA

elnino1

(NI JG TUMBADO) NASA halos isang bilyong piso na ang pinsala sa agrikultura bunsod ng panahon ng tagtuyot o ang El Nino phenomemon sa bansa. Sa datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa inisyal na pagtataya na P464 Million, ngayon ay pumalo na sa mahigit P864 Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng matinding tagtuyot. Apektado ng naturang kalamidad ang MIMAROPA region at region 12. Sa MIMAROPA, mahigit P158 Million ang pinsala sa mga pananim na karamihan ay mga palay at mais,…

Read More

MANILA WATER KUMITA NG P6.5-B; SERBISYO PALPAK PA RIN

manila12

(NI BERNARD TAGUINOD) KINUKUYOG na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Manila Waters dahil sa puwerhuwisyong inabot ng kanilang mga customers matapos biglang nawala ang kanilang water supply mula pa noong Marso 8. Ang Makabayan bloc sa Kamara ay naghain na resolusyon para imbestigahan ang Manila Waters dahil lumalabas na palpak ang kanilang serbisyo gayung bilyong-bilyong piso umano ang kinita ng mga ito noong nakaraang taon. Nabatid sa grupo na nagtala ng P6.5 bilyon net income ang Manila Water noong 2018 subalit hindi nagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin…

Read More

P477-M PINSALA SA MATINDING INIT SA NORTH COTABATO

tuyot1

KIDAPAWAN CITY – Bagama’t  hindi pa napabilang ang probinsya ng North Cotabato sa tatlong kategorya na dry condition, dry spell at drought ay abot na sa P477 milyong halaga ang inisyal na pinsala sa mga pananim sa iba’t ibang bayan sa lalawigan. Ito ay ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Warning and Action Officer Engr. Arnulfo Villaruz sa panayam ng SAKSI NGAYON. Abot na rin sa 8,500 mga magsasaka ang naapektuhan at hindi pa kabilang dito ang ilang magbubukid sa North Cotabato. Giit pa ni Villaruz, posibleng sa susunod…

Read More

TEMPERATURA SA EL NIñO PAPALO SA HIGIT 40 DEGREES

el nino12

(NI JEDI PIA REYES) IBINABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsipa ng temperatura sa pinakamainit na antas dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa. Ayon kay Analiza Solis, ng Climate Information monitoring section ng PAGASA, maaaring umabot ng mahigit pa sa 40 degrees Celsius ang temperatura lalo na sa Northern Luzon. “Base po sa forecast natin, we could get as high as or more than 40 degrees Celsius po [init ng panahon] lalo na sa areas ng Northern Luzon… Tuguegarao, Cagayan in particular,”…

Read More

HIGIT P100-M PANANIM POSIBLENG MASIRA SA EL NINO

elnino1

(NI JEDI PIA REYES) TINATAYA ng Department of Agriculture (DA) na pumalo sa P100 milyon o higit pa ang halaga ng masisirang produksyon sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa. Ayon kay DA chief of Field Program Operational Planning Division Christopher Morales, maaaring abutin ng 10,000 metric tons ng bigas at mais ang masasayang lang dahil sa tagtuyot. Kabilang aniya sa mga lalawigang mahigpit na minumonitor ngayon dahil sa epekto ng El Niño phenomenon ay ang Cotabato, Occidental Mindoro, buong Zamboanga peninsula, Maguindanao, Misamis…

Read More