(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING sa Kamara kay Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin na silipin ang sinasabing sindikato ng pag-iisyu ng pasaporte sa kabila ng mga isinumiteng pekeng dokumento. Kasabay nito, nagbanta na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Cotabato matapos mabuko ang paglalabas ng pasaporte kahit peke ang mga dokumento isinusumite sa ahensiya. Sa press conference sa Kamara nitong Huwebes, ihinarap ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na inisyuhan ng passport ng DFA-Cotabato kahit peke ang mga dokumento.…
Read More