(NI NOEL ABUEL) INIREKOMENDA ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng Christmas bonus sa mga opisyales ng barangay sa buong bansa. Ayon sa senador, hiniling nito sa Pangulo na pagkalooban ng P3,000 Christmas incentives sa mga barangay captains, kagawad, Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons, at Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs) para sa kasalukuyang taon. Paliwanag ni Go, ang nasabing incentives ay regalo dahil sa maayos na trabaho ng mga ito bilang pinaliit na pamahalaan. “Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating…
Read MoreTag: go
MALASAKIT CENTER APRUB NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtayo ng Malasakit Center sa lahat ng pampublikong hospital sa buong bansa. Sa botong 185 pabor, isang kumontra at 7 ang hindi bumoto o nag-abstain, lumusot na ang House Bill (HB) 5547 ang nasabing panukalang batas na magsisilbing one-stop-shop sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyente. Layon ng nasabing batas na hindi na mahirapan ang mga mahihirap na pasyente na makakuha ng medical assistance sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department…
Read MoreDAGDAG NA BUDGET KAY LENI APRUB KAY GO
(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na suportado nito ang hiling ni Leni Robredo na dagdag pondo para magamit sa kampanya laban sa illegal na droga. “Ako, as a legislator, sabi ko full support ako kung ano ang makatutulong. Basta ang hangarin ay masugpo ang droga,” giit ni Go. Paliwanag pa nito na kung sa kasalukuyan ay nasa 82 porsiyento ang sang-ayon sa war on drugs ng administrasyong Duterte ay hindi imposible na tumaas pa ito sa panunungkulan ni Robredo bilang co-chair ng Inter–Agency Committee on…
Read MoreGO: TAO LANG ANG PANGULO, KAILANGAN NG PAHINGA
(NI NOEL ABUEL) BINIGYANG-diin ni Senador Christopher Bong Go na tao lang si Pangulong Rodrigo Duterte at kailangan ng pahinga kasunod ng ibinigay na tatlong araw na ‘rest’ sa kanyan gbahay sa Davao City. Sinabi ni Go na mas pinili ng Pangulo na magpahinga muna ng 3 araw sa Davao City dahil itinuturing nitong itong comfort zone kung saan siya nakakatulog nang mahimbing. Sa kabila nito, sinabi ni Go na bagama’t pinagpapahinga ang Pangulo ay hindi pa rin ito tumitigil sa mga paper works. Sa katunayan aniya ay nakatakda silang…
Read MorePHILHEALTH, PRIVATE HOSPITALS NAGKASUNDO SA SINISINGIL NA CLAIMS
(NI NOEL ABUEL) NAGKASUNDO na ang mga opisyal ng PhilHealth at Private Hospitals Association of the Philippines Inc. kaugnay ng sigalot sa pagitan ng mga ito hinggil sa fraudulent claims. Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, matapos magpatawag ng pulong noong nakaraang Huwebes, Oktubre 24 kung saan nakaharap nito sina PhilHealth president Gen. Ricardo Morales at PHAPI president Rustico Jimenez. Sa nasabing pagpupulong, nagkasundo ang PhilHealth at PHAPI na magtutulungan para masolusyunan ang hinahabol na claims ng mga private hospitals at ang pagsawata sa mga fraudulent claims. “Naiintindihan…
Read MoreKOPYA NI DU30 VS NINJA COPS IBINIGAY NI GO; DESISYON HINIHINTAY
(NI CHRISTIAN DALE) PERSONAL na inihatid ni Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kopya ng Senate Blue Ribbon Committee sa tinaguriang ninja cops. Sa panayam sa Malakanyang, sinabi ni Go na hawak na ng Pangulo ang nasabing kopya at hihintayin na lamang kung ano ang desisyon ng Pangulo rito. Nauna rito, inilabas noong Biyernes ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa isyu ng ninja cops at nakitaan nito ng paglabag si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde. Matapos ang siyam na pagdinig…
Read MorePAGKO-COMMUTE NG GOV’T OFFICIALS KINONTRA NI GO
(NI NOEL ABUEL) HINDI sang-ayon si Senador Bong Go sa panawagan ng isang kongresista na gumamit ng public transport ang mga opisyal ng pamahalaan tuwing araw ng Lunes. Giit ni Go, sa halip na makabuti ay baka mas lalong magdulot aniya ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang ililikha nito. Ipinaliwanag pa ng senador na dapat ikonsidera ng lahat na hindi maiiwasan na malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga opisyal ng pamahalaan sakaling sumakay ito sa mga pampublikong sasakyan. Idinagdag pa ni Go na payag naman itong sumakay na…
Read More