(NI BERNARD TAGUINOD) MANANATILING buhay ang Medical Cannabis Act sa Kongreso sa kabila ng pagkambyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang naturang batas. Sa panayam kay Isabela Rep. Rodito Albano, sinabi nito na iginagalang nya ang desisyon ni Duterte laban sa kanyang pet bill na nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa noong Enero sa Kamara. “We have to respect the President’s decision if he vetoes medical cannabis act,” ani Albano na nasa ikatlo at huling termino na bilang kinatawan ng unang distrito ng Isabela. Gayunpaman, hindi pa rin…
Read MoreTag: kongreso
PROTEKSIYON SA MGA TURISTA OK SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na bubuo ng intergovernmental task force para sa proteksyon at assistance sa mga turista sa bansa. Batay sa House Bill 8961 na iniakda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kinikilala ang sektor ng turismo bilang major contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng Tourist Protection and Assistance Task Force na mangangasiwa sa pagkakaroon ng directional signages sa tourist facilities, pagpapakalat ng multilingual travel and tourism information at promotional materials. Magkakaroon rin ng…
Read MoreTUBIG-ULAN IIPUNIN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG mabawasan ang baha sa Metro Manila at masiguro na mayroon sapat na supply ng tubig, oobligahin na ang lahat ng institusyon, kasama na ang mga residential communities na magtayo ng pasilidad na pag-iipunan ng mga tubig-ulan. Ito ay matapos makapasa na sa ikalawang pagbasa sa Kamara House Bill 4340 o Rainwater Harvesting Facilities Act, na inakda ng mga mambabatas sa National Capital Region (NCR). Base sa nasabing panukala, ang lahat ng mga bagong institusyon, commercial at residential development projects ay kailangang may itatayong rainwater harvesting facilities…
Read MoreSINLAKI NG MANILA, QC TATABUNAN SA MANILA BAY
(NI BERNARD TAGUINOD) KASING-LAKI ng pinagsamang land area ng Lungsod ng Maynila at Quezon City ang tatabunan sa Manila Bay kapag natuloy ang 22 reclamation projects sa nasabing karagatan. Gayunman, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na walang pakinabang ang mga mahihirap sa reclamation projects na ito bagkus ay mabibiktima ang mga ito lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad malapit sa Manila Bay. “Imagine, the area to be reclaimed in as huge as the entire Quezon City and Manila combined. And this is not to…
Read More2019 NATIONAL BUDGET OKS NA
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ma-delay ng isang kalahating buwan, naratipikahan na ang P3.757 Trillion national budget ngayong taon at nakatakda na itong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte anumang araw ngayon. Sa huling pulong ng mga contingent ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa Camp Aquinaldo kahapon, pinirmahan ang bicameral conference committee report bago ito hiwalay na niratipikahan sa Kamara at Senado. Gumamit ng reenacted budget ang gobyerno sa unang isa’t kahating buwan ng taong kasalukuyan at dahil dito, hindi natanggap ng mga government employees ang kanilang umento sa sahod o 4th tranche…
Read More