(NI KEVIN COLLANTES) MAY libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga menor de edad o mga batang nasa edad 18-anyos pababa sa Miyerkoles, Nobyembre 6. Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay bilang pakikiisa umano sa pagdiriwang ng 27th National Children’s Month sa nasabing araw. Batay sa paabiso ng DOTr-MRT3, nabatid na maaaring makasakay nang libre ang mga menor de edad mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa Miyerkoles. Para sa mga estudyante, maaaring iprisinta…
Read MoreTag: libreng sakay
ANGKAS APP MAY LIBRENG SAKAY
(NI DAHLIA S. ANIN) NAG-ALOK ng libreng sakay ang motorcycle ride application na Angkas para sa mga pasaherong apektado ng limitadong operasyo ng LRT 2. Ang libreng sakay ay tuwing Martes hanggang Huwebes mula Recto-Santolan at vice versa, mula alas 8:00 hanngang 10:00 ng umaga at alas 5:00-7:00 ng gabi Matatandaang limang araw na walang biyahe ang LRT 2 matapos masunog ang power rectifier sa riles sa pagitang ng Katipunan at Anonas Station. Nagbalik na ang partial na operasyon nito ngayong araw mula Recto hanggang Cubao lamang at sinasabing aabutin…
Read MoreLGUs AT PNP NAGHANDOG NG LIBRENG SAKAY
(Ni DAHLIA S. ANIN) Dahil sa isinagawang nationwide strike mga organisasyon ng drivers at operator, nag-alok ng libreng sakay ang Local Government Units (LGUs), Philippine National Police (PNP) at ilan pang ahensya ng gobyerno upang hindi masyadong maabala ang mga manggagawa na papasok sa kanilang mga trabaho. Pinoprotesta nila ang modernization plan para sa mga public utility vehicles (PUVs). Nagdeploy ng mga transport truck at fire engines ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) upang asistahan ang mga pasahero na apektado ng transport strike. Libreng sakay rin sa motor…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA MRT, LRT1 SA JUNE 12
(NI KEVIN COLLANTES) MAGKAKALOOB ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng libreng sakay para sa kanilang mga commuters sa nalalapit na pagdiriwang ng Independence Day sa Hunyo 12. Sa paabiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng kanilang mga commuters sa pagitan ng 7AM at 9AM at 5PM at 7PM. “Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2019, magbibigay ng libreng sakay ang DOTr MRT-3 bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita ng ika-121 anibersaryo ng proklamasyon…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA PITX
(NI KEVIN COLLANTES) MAY handog ang Department of Transportation (DOTr) sa mga commuters sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Araw ng mga Puso. Nabatid na inilunsad Huwebes ng umaga ng DOTr ang “Serbus,” na isang proyektong magbibigay ng libreng sakay sa mga commuter ng PITX. Ayon sa DOTr, isinagawa ang launching at blessing ng proyekto sa Bonifacio Shrine, sa Ermita, Manila, Huwebes ng umaga. Sa ilalim ng proyekto, anim na air-conditioned bus units ang magbibigay ng libreng sakay sa mga commuters sa PITX, mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA MRT-3 SA DEC. 30
MAGKAKALOOB ng libreng sakay sa kanilang mga pasahero ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Disyembre 30 bilang pakikiisa sa paggunita sa ika-122 anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring i-avail mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi. Ayon sa DOTr, nais nilang makapag-ambag ng libreng sakay sa kanilang mga pasahero, sa gagawing pamamasyal sa nasabing araw, na deklaradong regular holiday. Taun -taon ay nagbibigay ng free…
Read More