QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos masobrahan at malason na sa alak na kanyang ininom sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito. Makaraan ang tatlong araw na pag-iinom, isinugod sa ospital ang biktimang si Alvin Luna, 50-anyos, dahil hindi na makapagsalita at nahirapang huminga. Ngunit nitong Lunes ay nalagutan ng hininga ang biktima habang nilalapatan ng lunas. Ayon sa mga kaanak, araw ng Huwebes nang magsimulang makipag-inuman ang biktima at uminom ng pinaghalong lambanog at isang local brand ng brandy. Muli umano nitong inupakan ang natirang lambanog noong araw…
Read MoreTag: MAGSASAKA
KINASTIGO NG MGA MAGSASAKA; KAVILLAR GUSTO LAGING KUMITA
TINAWAG ng isang grupo ng mga magsasaka si Sen. Cynthia Villar na “iresponsable” at puro kita ang nasa isip kahit pa ang problema ngayon sa novel coronavirus (nCoV). “For many, nCoV has become a matter of life and death, but for Senator Villar, it’s still about business and profiteering. She is cold-hearted and shows no compassion for others,” ani KMP chairperson Danilo Ramos. Ayon sa grupo, hindi katanggap-tanggap na nais ni Villar na pagkakitaan pa ang nasabing sakit. “She said: “since there’s a ban on any flight coming in from…
Read MoreMGA MAGSASAKA NAUUBOS SA EJK
Pagpatay, ipinapasa sa NPA BAGAMAN patanda nang patanda ang mga magsasaka sa bansa, inuubos pa sila sa pamamagitan ng extra judicial killings. Ito ang nabatid kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao matapos umanong patayin ang isang magsasaka na si Pelagio Compoc ng Barangay Dagohoy, Bilar, Bohol. Ayon kay Casilao, si Pelagio ang ika-224 na biktima ng EJK sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte samantalang ang ipinaglalaban lamang umano ng mga magsasakang katulad ng nasawi ay magkaroon ng sariling lupa at makatotohanang programa sa agraryo. “Killing of peasants asserting their right…
Read MoreP6.9-B AYUDA SA MAGSASAKA TINIYAK SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Imee Marcos na maipagkakaloob sa mga magsasaka ang tulong pinansyal sa mga ito bago matapos ang kasalukuyang taon. Sinabi ng senador na maibibigay ang dagdag na ayudang P6.9 bilyon sa pamamagitan ng pagbili ng palay o kaya ay cash na kukunin sa budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Siniguro ng senadora na hindi dapat mangamba ang mga magsasaka na mahaharang ang ayuda ng ruling ng Korte Suprema na una nang naglimita sa mga mambabatas na maglaan ng pondo sa mga bagay na…
Read MoreLGUs PINAREREKTA SA MAGSASAKA SA PAGBILI NG BIGAS
(NI NOEL ABUEL) MULING umapela sa pamahalaan at sa mga ahensya ng pamahalaan na magsilbing equalizer sa malaking suliranin ng mga magsasaka kaugnay ng patuloy na pagbaba ng presyo ng palay bunsod ng pagpasok ng mga murang bigas mula sa ibang bansa. Ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, kailangan nang kumilos ang gobyerno bago pa mahuli ang lahat at tuluyang iwan ng mga magsasaka ang kanilang hanapbuhay. Hiling nito na panahon nang iimplementa ang Sagip Saka Law para makatulong sa mga magsasaka na makatugon sa pagbagsak ng presyo ng palay…
Read MoreMAGSASAKA PINAHIHIRAPAN BAGO PAUTANGIN
(Ni BERNARD TAGUINOD) Pinapahirapan muna ang mga magsasaka bago sila mapautang ng gobyerno sa ilalim ng Rice Tariffication Law kaya marami ang umaatras lalo na ang mga tenant o nakikisaka lang. Ito ang napag-alaman kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas habang nasa gtina na ng pangangalap ng lagda ang kanilang mga kaalyado upang maipabasura ang nasabing batas. “Ang mga magsasaka natin ay pinapahirapan bago maka-avail ng pautang sa kanila,” ayon kay Brosas kaya nagrereklamo umano ang mga rice farmers sa lahat ng panig ng bansa. Nabatid sa mambabatas na bago…
Read MoreP15-K ‘TULONG’ SA MAGSASAKA UTANG, ‘DI AYUDA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) SA halip tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka na nalugi dahil sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, ay tila ibinabaon pa ang mga ito sa utang. Ito ang dismayadong pahayag ni Magsasaka party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat kaugnay ng P15,000 na ibibigay umano sa mga magsasaka para tulungan ang mga ito na mapaunlad ang kanilang pagsasaka. “Hindi naman yan ayuda, yan ang utang. Sila (magsasaka) ngayon ay baon na sa utang at ibinabaon pa sila ngayon sa utang,” ani Cabatbat kaugnay…
Read MoreINSURANCE SA MAGSASAKA, MANGINGISDA SINUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON na ng insurance ang mga magsasaka at mangingisda sa sandaling maging batas ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa lahat ng mga manggagawa, ang mga ito lamang ang walang maasahan pagtanda nila. Sa House Bill 3601 o Agricultural Pension Fund Act” na iniakda ni AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin, panahon na aniya para magkaroon ng insurance ang lahat ng magsasaka at mangingisda. Ayon sa mambabatas, ang average age ng mga magsasaka ngayon sa bansa ay 57 anyos at palapit na sila sa…
Read MoreTULONG SA MAGSASAKA IPA-PRAYODIDAD SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) ISANG paraan para mabawasan ang poverty o kahirapan sa bansa ay tulungan ang mga magsasaka sa bansa para tumaas ang produksyon at kita. Ito ang dahilan kaya iginiit ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na bigyang prayoridad ang pagtulong sa mga magsasaka sa bansa. “If we want to reduce poverty, we need to find ways on how to increasethe Filipino farmers’ income. We need to accelerate agricultural productivity, but this must translate to bigger take-home pay for those who till the…
Read More