(NI ABBY MENDOZA) AMINADO ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) na aabutin pa ng isang buwan bago tuluyang maging stable ang supply ng tubig ng Manila Water na sapat para tugunan ang dami ng mga consumers nito. Ayon kay MWSS Administrator Rey Velasco, nasa 200 million liters na tubig ang kulang sa supply ng Manila Water, sa ngayon ang agarang lamang maso-solusyunan ay ang 50 million liters na kulang na tubig matapos na rin mangako ang Maynilad na magbibigay ng 50 million liters ng tubig sa Manila Water araw araw na…
Read MoreTag: Manila Water
MAYNILAD SASAKLOLO SA MANILA WATER
(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY AJ GOLEZ) HANDANG sumaklolo ang Maynilad sa nararanasang water shortage, sa Metro Manila at Rizal upang mabawasan ang hirap ng mga konsumer. Ang Maynilad ang nagsusupply ng tubig sa Kanlurang bahagi ng Metro Manila at sa Cavite. Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS, matapos ang ginanap na pagpupulong nila, Martes ng hapon, ay pumayag ang Maynilad na magpahiram ng mga water pump sa Manila Water na inaasahang lilikha ng 50 million liters kada araw habang meron pang 96% ng tubig sa MM…
Read MoreMGA APEKTADO IRITADO NA; MANILA WATER WALANG MAGAWA
(PHOTO BY KIER CRUZ) ITINANGGI ng Manila Water na ang kawalan ng supply ng tubig sa ilang lugar ay dahil sa ‘manipulasyon’ sa sistema ng supply ng tubig. Nilinaw ni Manila Water communications manager Dittie Galang na ang kawalan ng tubig sa magkakaibang lugar ay dahil magkakahiwalay din ang reservoirs ng iba’t ibang lugar. Ito ay bunsod ng reklamo ng mga apektadong residente na nakararanas ng kawalan ng tubig habang ang ilang barangay ay hindi nawawalan ng tubig. “Ang sistema ng Manila Water may hiwa-hiwalay yan na reservoirs, hiwa-hiwalay yan…
Read MoreLA MESA DAM ‘KRITIKAL’;PINAKAMABABA ANTAS SA NAKALIPAS NA 12 TAON
(PHOTO BY KIER CRUZ) UMABOT na sa kritikal na antas ang La Mesa Dam, pangunahing dam na pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila residents, dahilan para manawagan sa publiko na magtipid at mag-ipon ng tubig para sa posibleng paghina o pagkawala ng tubig sa maraming lugar sa Metro Manila. Umabot na sa critical level na 69 meters above sea level ang antas nito nitong Lunes. Itinuturing na pinakamababa ito sa nakalipas na 12 taon at senyales ng lumalalang El Nino phenomenon. Hanggang Lunes ng umaga ay wala pa ring supply…
Read MoreCONSUMER NG MANILA WATER WALA PA RING TUBIG
WALA pa ring tubig na tutulo sa gripo ng mga consumer ng Manila Water, Linggo at sa mga darating na araw. Sa Mandaluyong area ay apat na araw nang walang tubig at umaasa lamang sa rasyon ng bumbero na kadalasan ay hindi rin sapat ang dalang tubig. Ito, ayon sa Manila Water, ay bunsod pa rin umano ng patuloy na pagbaba ng water level sa La Mesa Dam.. Kabilang sa mga apektadong lugar ang Makati, Marikina, Pasig, Pateros, Taguig, Mandaluyong, San Juan at mga bayan sa Rizal. Kung may katanungan…
Read MoreWALANG ABISONG PAGKAWALA NG TUBIG SA EAST ZONE BUBUSISIIN
NAIS busisiin ang hindi inaasahang pagputol ng supply ng tubig sa Metro Manila at sinisi ang Manila Water dahil sa kapalpakan. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na dapat imbestigahan ang walang abisong pagputol ng supply ng tubig na ikinataranta ng maraming residente at pagka-apekto ng mga negosyo. Kasabay ito ng paghingi ng paumanhin ng Manila Water sa mga apektadong residente ng Mandaluyong, Pasig at San Juan mula March 7 hanggang 8. Iniahayag naman ng Maynilad ang pagkawala ng supply ng tubig mula March 10 hanggang 11 sa…
Read MoreWALANG ABISO SA PAGKAWALA NG SUPPLY: MANILA WATER KINONDENA
(CONTRIBUTED PHOTO BY ARIEL JOQUICO) KALIWA’T kanang pambabatikos ang tinatanggap ng Manila Water matapos nitong putulin ang supply ng tubig nang walang abiso sa anim na Metro Manila City at pitong bayan sa Rizal province mula Huwebes hanggang Biyernes. Hanggang Sabado ng hatinggabi ay nakapila ang napakahabang residente ng Mandaluyong na mga nabigla sa ‘sorpresang’ pagkawala ng supply ng tubig. Nagkatarantahan ang mga apektadong residente at hindi malaman kung saan kukuha , partikular ng malinis na tubig , para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa Mandaluyong, bandang alas-5:00 ng hapon…
Read MoreSINGIL SA TUBIG BABABA NGAYONG ABRIL
(NI JEDI PIA REYES/PHOTO BY RAFAEL TABOY) KINUMPIRMA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagtapyas sa singil ng mga water concessionaire na Manila Water at Maynilad sa darating na Abril. Kasunod umano ito ng paglakas ng piso kontra US dollar at Japanese Yen. Mangangahulugan ito na ang mga konsyumer ng Manila Water na kumukonsumo ng tubig na 10 cubic meters o pababa kada buwan ay makakatipid ng P1.21; sa mga may average consumption na 20 cubic meters ay makakatipid ng P2.69 at ang may konsumong 30 cubic meters…
Read MoreNAKOLEKTANG SANITATION FEE MAGKANO NA?
(NI BERNARD TAGUINOD) INATASAN ng House committee on Metro Manila Development ang dalawang water concessionaires na magsumite ng report kung magkano na ang nakolektang ‘sanitation fees” ng mga ito sa kanilang mga customers sa mahigit dalawang dekada. Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Quezon City Rep. Winston Castelo, inaprubahan ang mosyon ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na pagsumitehin ng report ang Manila Water at Maynilad kung magkano na ang nakolekta ng mga ito ng sanitation fees mula 1997. Magugunita na naisapribado ang serbisyo sa tubig noong 1997 at…
Read More