GALIT NI PRES. DUTERTE WA EPEK MAYNILAD, MLA WATER PALPAK PA RIN

MISTULANG walang epekto sa Manila Water at Maynilad ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi pa rin nagbabago ang kanilang serbisyo at mahal pa rin ang singil ng mga ito sa tubig. Ganito ang paniniwala ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares, matapos umanong hindi maramdaman ng mga consumer sa Metro Manila ang pagbabago sa serbisyo ng mga kumpanyang ito ng tubig. “Well, sa ngayon, expect na binili na ang shares ng Ayala (sa Manila Water), wala pa ring pagbabago sa serbisyo. Marami pa rin ang nagrereklamo…

Read More

P2-B MULTA NG MLA WATER, MAYNILAD Huwag kalimutan – Solon

MAYNILAD-MANILA WATER-3

HINDI lang mga advance collection ng water concessionaires ang dapat iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito na bayaran bago ang negosasyon sa bagong kontrata kundi ang P2 Billion multa na ipinataw sa kanila ng Korte Suprema. Ito ang iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kay Pangulong Duterte kasunod ng panibagong banat nito sa Maynilad at Manila Water na ibalik sa tao ang kanilang nakolektang sewage fees para sa pagpapagawa ng water treatment facilities na hindi pa rin naitatayo sa nakalipas na 22 taon. “President Rodrigo Duterte should…

Read More

SOLON SA MAYNILAD AT MANILA WATER: P6-B ISOLI SA TAUMBAYAN

Rep Arlene Brosas-3

(NI BERNARD TAGUINOD) MALAKI pa rin ang pagkakautang ng Manila Water at Maynilad sa kanilang customers dahil hindi pa ibinabalik ng mga ito ang may P6 bilyong kanilang nakolekta para sa future projects ng mga ito. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas,  kailangang  masingil ang dalawang concessionaires at kailangang  bigyan nila ng tubo ang perang matagal na nilang hawak. Sinabi ng mambabatas, simula pa noong 2007 ay nagpatupad umano ng rebasing rate ang Manila Water at Maynilad para sa kanilang future projects tulad ng Laiban Dam project na nagkakahalaga ng P45.3 Billion at…

Read More

CAYETANO, DRILON PUMAPEL?

MAYNILAD-MANILA WATER-3

Kita ng Maynilad, Manila Water tiniyak sa water deal (Ni: NELSON S. BADILLA) LUMUTANG ang posibilidad na may kinalaman sina Senador Franklin Drilon at dating presidential legal adviser Renato “Rene” Cayetano sa palpak na kontrata sa mga water concessionaire. Ito ay base sa mga nakalap na impormasyon ng Saksi Ngayon. Ngayon ay pinabago na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata ng pamahalaan sa Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. upang matanggal ang mga probisyong “onerous” sa kontrata na nagbigay ng kapangyarihan sa dalawang kumpanya na kumabig nang…

Read More

MANILA WATER, MAYNILAD P119.5-B ANG TUBO

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

Binira ng consumers group dahil pinagkakitaan ang pribatisasyon (Ni: NELSON S. BADILLA) NANAWAGAN kahapon ang isang samahan ng mga consumer at dalawang organisasyon ng mga manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko na ang distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan, sapagkat pumabor lamang ito sa mga water concessionaire. Sa eksklusibong panayam kay Rodolfo “RJ” Javellana, pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), idiniin nitong “palpak ang pribatisasyon” ng distribyusyon ng tubig sa NCR at mga karatig lalawigan, sapagkat pinagkakitaan lamang ng Manila Water…

Read More

KONTRATA NG WATER FIRMS IPAPASA SA CRONIES?

DUTERTE CRONIES

(Ni: NELSON S. BADILLA) IBINUNYAG ng isa sa mga malaking samahan ng mga manggagawang Filipino ang pinaniniwalaan nitong ‘masamang plano’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbira sa dalawang kumpanyang may kontrol sa negosyong distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan. Ayon kay Leody de Guzman, tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), malaki  ang kanilang duda na kaya binibira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korporasyong hawak ng mga Ayala at Pangilinan ay para agawin at ibigay sa kanyang mga malapit na kaibigan o cronies.…

Read More

HAMON SA MANILA WATER, MAYNILAD AT MWSS: BAGONG DEAL ILANTAD KUNG PATAS

Rep Arlene Brosas-3

KAILANGANG isapubliko ng Malacañang ang bagong water concession contract na binuo ng mga legal adviser at economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito ilatag sa Maynilad at Manila Water. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Aniya, kailangang mabusisi muna ng publiko kung patas ang bagong water concession contract bago ito ilarga upang masiguro na hindi muling maiisahan ng mga water concessionaire ang mga consumer. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil nabuo na umano ang bagong kontrata subalit hindi pa ito isinasapubliko ng Palasyo hanggang ngayon kaya…

Read More

KONTRATA O DEMANDA?

maynilad1

Maynilad at Manila Water ginisa ni Digong sa sariling mantika MISTULANG ginisa sa sariling mantika ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Maynilad at Manila Water makaraang bigyan ang mga ito ng opsyon para mapanatiling hawak ang operasyon ng suplay ng tubig sa bansa. Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, kabilang sa opsyon ng Pangulo ay ang tanggapin ng mga water concessionaire ang bagong kontrata na walang garantiya na hindi sila kakasuhan kasama ang iba pang kasabwat sa paggawa ng onerous contracts na para sa pamahalaan ay “void ab initio” dahil sa…

Read More

MANILA WATER, MAYNILAD NAGPATAAS NG RATING NI DU30 

du30with people12

(NI BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang pagkabog ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga oligaryo  tulad ng Maynilad at Manila Water ang isa sa mga nagpataas sa kanyang ratings lalo na sa hanay ng mga mahihirap. “These trust ratings quantify the massive political capital President Duterte has and which he is willing to use against the oligarchs who have controlled Filipino lives for far too long, ani BH party-list Rep. Bernadeth Herrera. Base sa Pulse Asia survey, mula sa 75% na approval rating na ibinigay…

Read More