BALASAHAN SA NAIA NAKAUMANG

duterte32

(NI BETH JULIAN) KASUNOD ng anunsyong magkakaroon ng balasahan sa pamunuan ng PhilHealth, napipintong magkaroon din ng balasahan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ang pahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos madismaya sa mga aberya ng biyahe ng eroplano sa nasabing paliparan. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ipinarating ni Duterte ang plano nitong pagrigodon sa mga NAIA officials sa ginanap na ika-38th Cabinet meeting, Lunes ng gabi sa Malacanang na inabot ng madaling araw kahapon. Ayon kay Panelo, inisa-isa ng Pangulo sa Cabinet meeting ang nadiskubreng mga kapalpakan…

Read More

DU30 NAGSAGAWA NG SORPRESANG INSPEKSIYON SA NAIA

duterte32

(NI BETH JULIAN) DAHIL sa madalas na pagkakaroon ng delayed at cancellation of flights, nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2. Alas-2:00 ng madaling araw nang biglang sumulpot ang Pangulo sa nasabing airport matapos makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa patuloy na nararanasang pagkaantala at kanselasyon ng flights gaya nitong Linggo ng gabi dahil sa itinaas na ‘red lightning alert’. Kasama ni Pangulong Duterte na nag-ikot sa paliparan sina MIAA GM Ed Monreal, CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco, Rep. Martin…

Read More

84 KILO IMPORTED NA KARNE NASABAT SA NAIA

customs12

(NI ROSE PULGAR) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ng Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang may 84 kilong imported na karne sa isang papasok na pasahero mula sa Japan sa NAIA  Terminal 3 sa Pasay City, nitong Huwebes. Ayon kay NAIA Customs Collector Mimil Talusan, bigo ang pasahero na maiprisinta ang clearance at certificate mula sa Bureau of Animal Industry dahilan upang kumpiskahin ang mga ito. Nauna nang nagbabala ang Bureau of Animal Industry sa mga pasahero na iwasan ang magdala ng karne mula sa ibang bansa…

Read More

IMPORTED NA KARNE NG BABOY BANNED SA PINAS

pork12

(NI FROILAN MORELLOS) MAGTATALAGA ang Bureau of Animal Quarantine (BAI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga ‘meat sniffing dogs’ para ma-detect ang mga in-coming passengers na may dalang fresh animal meat sa bansa. Sinabi ni BAI Director, Dr. Ronnie Domingo, na layunin sa paglalalgay ng tatlong meat-sniffing canines sa airport ay upang ma-protektahan ang pagkalat ng deadly swine fever na galing sa ibang bansa. Ayon pa kay Domingo, ang mga asong ito ay well-trained para mabatid kung may manakapagpuslit ng mga karne na bitbit ng pasahero at makumpiska…

Read More

PYTHON SNAKE PAPUNTANG MALAYSIA, HULI SA LOOB NG SPEAKER

ahas12

(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kargamento kung saan nakapaloob ang buhay na python snake, na itinago ng may-ari sa loob ng bluetooth speaker. Ang nasabing kargamento ay papuntang Malaysia at na-intercept ito ng mga taga-Customs pagdaan sa x-ray machine noong Mayo 5. Nabatid na umaabot sa  20 inches ang haba ng python at ayon sa mga ito umaabot pa ito hanggang 32 ang haba kung saan kaya nitong kumain ng tao o mga hayop na lumalapit…

Read More

7-K PINOY NAPIGILAN NG BI MAKALABAS NG BANSA

bi121

(NI MINA DIAZ) INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na nasa mahigit 7,000 Filipino ang naharang paalis ng bansa sa unang quarter ng taon dahil na rin sa pinaigting na kampanya  laban sa human trafficking. Sinabi ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina na ang kabuuang 7,311 na paalis na mga pasahero ay naharang mula Enero hanggang Marso dahil sa kabiguang makasunod sa mga kinakailangan para sa pagbiyahe sa ibang bansa. “We have been very careful in assessing these travelers as we wanted to ensure that they will not…

Read More

PASAHERO SA NAIA DAGSA NA  

naia123

(NI DAVE MEDINA) DINAGSA na ng pasahero ang Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) nitong Lunes sa pagsisimula ng paghahanda ng mga taga-probinsya sa paggunita ng Mahal na Araw bagaman sa Lunes ng susunod na linggo pa magsisimula ang opisyal na Semana Santa. Alas 4:00 ng umaga ay naging mabigat na ang volume ng mga sasakyan  sa departure area dahil maagang nagsidatingan  ang mga pasahero sa airport bilang pagtalima na rin sa payo ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na agahan ng tatlo hanggang apat na  oras…

Read More

KOREAN STUDENT HULI SA ILLEGAL RECRUITMENT

korea22

(NI FROILAN MORALLOS)   KALABOSO ang isang Korean national makaraang maaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Inter-Agency Coucil Against Trafficking (IACAT) at makapanloko ng P5.6 milyon sa 28 na Pinoy matapos pangakuang na makakapagtrabaho sa Seoul, South Korea. Kinilala ang Korean na si Chang Woo Ham, 24, estudyante ng Lyceum of the Philippines University-Batangas City, kasalukuyang nahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment at estafa . Ayon sa reklamo ng 28 Pinoy, na ayaw magpakilala, hinimok sila ng suspek na magtrabaho sa Korea na ang kanilang sahod ay doble…

Read More

METRO MANILA SUBWAY UUMPISAHAN NA

subway

(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na ng pamahalaan ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway sa bansa. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang mangunguna sa idaraos na groundbreaking ceremony sa naturang proyekto, na tinatawag na Metro Manila Subway Project, sa Miyerkoles, Pebrero 27. Sinabi ng DOTr na ang proyekto ay may 15 istasyon, mula sa Quirino Highway hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at FTI. Target umano nilang bago matapos ang taong 2022 ay matapos…

Read More