DAGDAG-TULONG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA TINIYAK

farmers12

(NI NOEL ABUEL) MAKATITIYAK na ng dagdag na kita ang mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa sa mga darating na araw. Ito ang sinabi ni Senador Francis Pangilinan kasunod ng ipinasa nitong panukalang batas na Sagip Saka Law na malaking tulong sa mga magsasaka at mangingisda. “Naipasa na ‘yung Sagip Saka Law. Ito ay malaking pagkakataon pag-accredited ang farmers organization. Pwede nang magbenta direkta sa mga lokal at national na mga ahensya ng pamahalaan. Mababawasan ang middleman, mabibigyan sila ng supporta,” ani Pangilinan. “Sa ngayon ay binabalangkas ‘yung implementing…

Read More

COMELEC TAMEME PA RIN SA KALAMPAG NG LP

kiko pangilinan12

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ng Liberal Party (LP) ang Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag sa iregularidad sa nakalipas na May 13 midterm elections na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot ng poll body. Giit ni Senador Francis Pangilinan, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatanggap ng LP ang tugon  ng Comelec sa maraming isyu sa May 2019 elections tulad ng 7-hour glitch. “Comelec has yet to officially turn over its technical report and findings on the reason behind the glitch and has yet to release all logs of…

Read More

PALASYO TIKOM SA PAG-RESIGN SA LP NI PANGILINAN

kiko23

(NI BETH JULIAN) ISYU lamang sa pagitan nina Leni Robrero at Senator Kiko Pangilinan ang pagbibitiw nito bilang Liberal Party (LP) president. Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo nang usisain kaugnay sa nasabing isyu. “That’s for her and Senator Pangilinan to resolve. Hindi na dapat pang makialam ang Palasyo,” ayon kay Panelo. Nagbitiw sa tungkulin si Pangilinan nitong Martes. matapos ihayag ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa na maipoproklama na nito ang 12 nanalong senador at mga party-list organizations. Pero napag-alaman na tinanggihang tanggapin ni Robrero,…

Read More

BATAS NG CHINA SA P3.6-B LOAN AGREEMENT KINONTRA SA SENADO

china rp12

(NI NOEL ABUEL) KINONTRA ng ilang senador ang pahayag ng Malacañang na maaaring gamitin ng China ang sariling batas nito sa bansa kaugnay ng P3.6 bilyong loan agreement sakaling hindi mabayaran ng Pilipinas ang nasabing utang. Sinabi ni Senador Francis Pangilinan na walang sinumang bansa ang papayag sa isang one-sided terms sa isang kasunduan. Idinagdag pa ng senador na sa bawat kontratang pinapasok ng gobyerno sakaling dehado ang bansa ay tahasang paglabag sa anti-corrupt practices act. Sinabi naman ni Senate Pro-Tempre Ralph Recto, na kung totoong pwedeng mangyari ang nais…

Read More

AKUSASYON NI PANGILINAN NA DAPAT SISIHIN ANG DUTERTE ADMIN SA PATAYAN SA BANSA, IRESPONSABLE

PANELO-PANGILINAN

BINUWELTAHAN ng Palasyo at tinawag na iresponsable at reckless ang akusasyon ni Opposition Senator Kiko Pangilinan, na kaya nagkakaroon ng sunod-sunod na patayan sa bansa ay dahil sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pahayag ito ni Pangilinan matapos pagbabarilin at mapatay kamakalawa si AKO Bicol Partyist Rep. Rodel Batocabe. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pambabastos ang ginawa ni Pangilinan sa Pamilya Batocabe dahil ginagamit lang niya ang insidente para umani ng political mileage at mapalakas ang kandidatura ng mga taga-oposisyon sa nalalapit na eleksyon. Ang nagaganap na patayan sa…

Read More

SEN. KIKO PANGILINAN GINAGAMIT SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING

Kinakaladkad ang pangalan ni Sen. Kiko Pangilinan sa pagkakaaresto sa 93 Chinese nationals at 11 Pinoy sa operasyong isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa ilegal na online gambling sa Pasig City kahapon. Batay sa impormasyong nakalap ng Newsbreak Insight Team (NIT), may opisyal na nagpapakilalang kamag-anak ni Sen. Pangilinan ang gumagamit ng pangalan nito kaugnay sa kaso. Matatandaan na sinalakay ng mga operatiba ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng NCRPO, Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-SWAT, Anti-Cyber Crime Group (ACG), NHQ, Camp Crame sa pakikipagtulungan ng…

Read More