(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ng National Bureau of Investigation(NBI), ang may 21 opisyal at empleyado ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang claims sa dialysis ng mga pasyente ng Wellmed Dialysis Center. Kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Republic act 10606 o National Health Insurance Act of 2013 at Republic Act 6713 o Code of conduct and ethical standards for Public Officials and Employees, ang mga isinampa…
Read MoreTag: philhealth
DISCOUNT SA PHILHEALTH COVERAGE SA MGA GURO PINATATAAS
(NI BERNARD TAGUINOD) BILANG pagkilala sa sakripisyo ng mga public school teachers sa kanilang trabaho sa kabila ng napakaliit ng sahod, nais ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ang mga ito ng discounts sa pagpapa-ospital at konsultasyon kapag sila’y nagkakasakit. Bukod sa 10% discount sa kanilang hospital bills at pagpapakonsulta, nais ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa kanyang House Bill (HB) 3759 na itaas din ng 10% ang sinasagot ng Philhealth sa gastusin ng mga guro sa pagpapa-ospital. ”Due to the complexities of…
Read MorePAPER TRAIL SA PHILHEALTH MALAKING TULONG SA ANOMALYA
(NI NOEL ABUEL) MALAKI ang maitutulong ng paper trail para madetermina kung sinu-sinong opisyales ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang sangkot sa anomalya sa nasabing ahensya. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan malaking bagay aniya kung aalamin ang mga transaksyon sa Philhealth sa pamamagitan ng paper trail. “‘Yun na nga. Paper trail ang isang pwedeng sumagot diyan para makita natin kung may pattern ng anomaly, sino gumagawa ng anomaly. Doon ba sa level ng regional VP sa mga regions, or sa level ng central office? Kasi…
Read MoreDEFENSOR SA PHILHEALTH: KAILAN NAGKA-PNEUMONIA OUTBREAK?
(NI BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang mambababatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagkaroon ng pneumonia outbreak sa bansa sa nakalipas na tatlong taon na ginastusan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng P52.5 Billion. Sa panayam ng mga mamamahayag kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, aalamin kung nagkaroon talaga ng pneumonia outbreak o bahagi lang ito ng katiwalian sa Philhealth. “Mantakin mo nagkaroon ng pneumonia outbreak na hindi natin alam,” ani Defensor matapos maitala umano ng Philhealth na umaabot sa 3.5 million pasyente (sa nakaraang tatlong taon) sa pneumonia ang kanilang…
Read MoreSPECIAL AUDIT SA PHILHEALTH IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) IPINAKIKILOS ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) sa gitna na rin ng nabunyag na korapsyon at katiwalian sa ahensya. Sinabi ni Drilon na nababahala ito sa mga problemang kinakaharap ng state health insurer, gayong nagsa-subsidize ng Philhealth ang malaking bahagi ng hospital bills at iba pang pangangailangang medical ng mga pasyente. Sinasabing aabot na sa P26 billion ang net operating loss ng PhilHealth sa nakalipas na limang taon, bukod pa rito…
Read MorePHILHEALTH BUDGET HAHARANGIN
(NI ABBY MENDOZA) SA pagsisimula ng budget hearing sa susunod na Linggo, agad na nagbanta si Anakalusugan Partylist Rep.Mike Defensor na haharangin ang pondo para sa 2020 ng Philippine Health Insurance Corp. ( Philhealth). Ang banta ng mambabatas ay kasunod na rin ng anomalyang kinasasangkutan ng Philhealth lalo sa mga ghost beneficiaries. Isa pa sa isyung nais linawin ni Defensor sa oras na sumalang sa budget deliberations ang Philhealth ay ang ginawa nitong pagpigil sa Commission on Audit (CoA) na suriin ang 2018 benefit claims expenses nito. Ani Defensor, kanyang…
Read MoreANTI-INSURANCE FRAUD UNIT VS PHILHEALTH
(NI NOEL ABUEL) IPINANUKALA ng isang senador na bumuo ng isang anti-insurance fraud unit sa National Bureau of Investigation (NBI) na sesentro sa pag-iimbestiga sa lahat ng transaksyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sa iba pang ahensya ng gobyerno. Ayon kay Senador Richard J. Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Comittee, ang nasabing unit ng NBI ang tanging gagalaw laban sa korapsyon at katiwalian sa Philhealth at sa lahat ng ahensya ng pamahalaan. Sa ginanap na pagdinig ng nasabing komite, nabunyag ang nagaganap na mga katiwalian sa Philhealth ng mga opisyales…
Read MoreCASE-BASED PAYMENT SYSTEM NG PHILHEALT PINAA-AUDIT
(NI NOEL ABUEL) IPINASASAILALIM sa audit ni Senador Risa Hontiveros ang ginagamit na case-based payment system ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matiyak na hindi magagamit sa katiwalian at korapsyon ang pondo nito. “Serious allegations of fraud and financial mismanagement erode public trust in our healthcare institutions and endanger the lives of people by denying them the medical treatment they need. We need to have more stringent procedures to protect the public health sector against bad and abusive practices. And if these procedures are already in place, they sorely…
Read MoreANOMALYA SA PHILHEALTH LALALA SA UHC
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG wasakin ang sindikato sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay mas lalala pa ang katiwalian dito dahil sa Universal Health Care (UHC) law. Ito ang iginiit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kasunod sa tinatayang P153.7 billlion na overpayment ng Philhealth sa mga nakaraang taon kung saan ay pangunahing biktima aniya ay ang mga mahihirap na pasyente. Ayon kay Defensor mahigit P250 billion ang pondo ng UHC na iimplementa ng Philhealth at mahigit doble umano ito sa hawak na pondo…
Read More