(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN si Senador Bong Go sa publiko, maging ang pribadong sector, na paigtingin ang suporta sa mga atletang Pinoy para maengganyo ang mga ito at makuha ang inaasam na gintong medalya sa Olympics. Sinabi nito na malaking tulong ang pagsuporta ng mga Filipino sa Pinoy athletes sa mga palarong sasalihan ng mga ito sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre. Kaugnay nito, sinabi Go na handa na ang bansa sa pagho-host kung saan mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa opening ceremony. Sinabi ng mambabatas na nasa…
Read MoreTag: Pinoy
26-M PINOY PATULOY NA NAGUGUTOM
(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ng senador na patuloy na dumarami ang bilang ng mga Filipino na nasasadlak sa kahirapan sa buong bansa na isinisisi sa kawalan ng ayuda ng pamahalaan. Ayon kay Senador Leila de Lima, mahigit sa 26 milyong Filipino ang nakararanas ng kahirapan sa buhay base na rin sa 2018 official figures habang nasa 592 milyon at patuloy na dumarami ang bilang ng mga nakararanas na paghihirap sa buong mundo. Apela nito sa publiko na tumulong para maibsan ang kahirapan ng pamilyang Filipino partikular ang mga mahihirap na…
Read More12 PINOY SEAMAN NA NAKADETINE SA TEHRAN MINOMONITOR
(NI ROSE PULGAR) MINOMONITOR ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Tehran dahil sa napaulat na pagkakadetine ng 12 Pilipinong crew members ng ‘Al Buraq 1’ (IMO 7318975), isang offshore supply ship na pinigil at kinumpiska ng Iran dahil sa umano’y pagpupuslit ng langis nitong Setyembre 7. Ito ang iniulat ng Embahada ng Pilipinas na nabigyan ng permiso na bumista sa mga nakakulong na Pinoy seaman. “The 12 Filipino seafarers are in good spirits and are being treated well while under detention,” ayon…
Read MorePINOY, MISIS SA MURDER-SUICIDE SA HAWAII HOME CARE
(NI KIKO CUETO) PATAY ang isang Pinoy at kanyang asawa sa isyu ng murder-suicide sa Kalihi, Hawaii, ayon sa report na nakuha ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa report nangyari ito sa Kalihi Carehome. Hindi naman pinangalanan ang dalawang biktima, at patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang nagpaputok ng natagpuang baril. Sinabi naman ng Honolulu Police Department na nakatanggap sila ng mga tawag sa kanilang 911 system ng mga narinig na umalingawngaw na putok ng baril mula sa home care. “Officers arrived and we did find a…
Read MorePINOY PINAIIWAS SA HK
(NI BETH JULIAN) PINAIIWAS ng Malacanang ang mga Filipino na magtungo sa Hong Kong dahil hindi ito ang tamang panahon. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na dapat munang magtungo sa HK ang mga Pinoy para makaiwas sa gulo sa aiport. Dito ay makatitiyak din na hindi maaaberya pagpunta sa nasabing bansa lalo pa’t walang kasiguruhan kung makapupunta nga sa Hong Kong o hindi. “Avoid muna going there, that’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to reach Hong Kong in the first place. Nagkakagulo sa airport.…
Read MorePINOY SA LIBYA EXPLOSION, LIGTAS — DFA
(NI ROSE PULGAR) INIULAT ngayong Lunes ng Embahada ng Pilipinas sa Libya sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino na nadamay kung saan dalawang staff members ng United Nation Support Mission in Libya (UNSMIL) ang nasawi at ilan ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang car bomb sa shopping mall sa Hawari District ng Benghazi. Sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ng Embahada sa Libya ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos maganap ang car bomb explosion. Ayon kay Ambassador Elmer Cato, ang car…
Read More‘NO FILTER’ NA PANGULO PATOK PA RIN SA PINOY
(NI BETH JULIAN) WALANG filter at pagiging straightforward ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya patuloy na maraming mga Filipino ang nagtitiwala sa kanya. Ito ang pahayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles bilang reaksyon sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia na nagsasaad na walo sa bawat 10 Filipino ay nananatiling kuntento at nagtitiwala sa pagganap ng Pangulo sa kanyang tungkulin bilang Chief Executive. Ayon kay Nograles, malaking puntos ang pagiging diretsahan, totoong tao na masasabing walang filter ang Pangulo kaya ito ang ikinagusto ng ng mga Filipino…
Read MoreDNA RESULTS INILABAS; 1 SA 2 SUICIDE BOMBER, PINOY
KUMPIRMADONG Pinoy ang isa sa dalwang suicide bomber sa Sulu matapos lumabas ang resulta ng DNA test nito mula sa Crime Laboratory sa pangunguna ni Regional Crime Laboratory Office-11 (RCLO11) Police Major Florepes Pallado Sinalakay ang kampo ng militar ng 1st Brigade Combat Team temporary headquarters sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu noong June 22 na ikinasawi ng walo katao habang nasa 22 pa ang nasugatan. Positibo umanong nag-match ang nakuhang human flesh sample mula sa unang bomber at swab sample mula naman sa nagpakilalang nanay na si Vilman Alam Lasuca…
Read MoreMAMASAPANO MASSACRE: KASO VS NOYNOY BINAWI
(NI JEDI PIA REYES) BINAWI ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kasong isinampa nito laban kay dating pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident. Sa dalawang pahinang Motion to Withdraw Information, hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na ikonsidera ang pagbawi nito ng impormasyon patungkol sa kaso sa dating punong ehekutibo. “Wherefore, premises considered, it is most respectfully prayed of this Honorable Court that the People of the Philippines be allowed to withdraw the Information against accused Benigno Simeon C. Aquino III and thereafter the same…
Read More