(NI ROSE PULGAR) WALANG Filipino na kabilang sa mga pasaherong sakay ng Biman Bangladesh flight na nag emergency landing kasunod ng tangkang pag-hijack noong Linggo, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Foregn Affairs Lunes ng tanghali. Sa nakarating na report sa DFA mula sa Philippine Embassy sa Dhaka sa Home Office ng DFA, ang Flight BG-147 ay umalis patungong Dubai mula sa capital ng Bangladesh at nagsagawa ng emergency landing sa Chattogong airport sa Silangan bahagi ng Bangladesh. Ang suspect na armado ng baril ay napatay ng security forces na…
Read MoreTag: Pinoy
PINOY TIWALA PA RIN SA AMERIKA
(Ni FRANCIS ATALIA) MAS pinagkakatiwalaang bansa ng mga Filipino ang Estados Unidos, ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia. Lumitaw sa datos nang isinagawang pagsisiyasat, mula December 14 hanggang 21, na 84 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing Amerika ang pinagkakatiwalaan nilang bansa. Mataas din ang porsiyento ng mga nagtitiwalang Pinoy sa mga bansang Japan (75 percent), Great Britain (57 percent), ASEAN (82 percent) at APEC (80 percent). Samantala, nasa 60 percent naman ng mga Pinoy ang hindi nagtitiwala sa China kahit na nakikipagmabutihan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit…
Read MoreMAGKAISA, PANAWAGAN NG PALASYO
(NI ARDEE DELLOMAS) UMAPELA ang Malacañang ng pagkakaisa ngayong panahon ng Kapaskuhan sa kabila ng pagkakawatak-watak dahil sa umano’y “poisonous politics.” Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, inulit nito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na maging mabuti at mapagpatawad sa kapwa. Dapat din umanong isantabi ng mga Pilipino ang mga ilang mga nakagawian na nakasisisra lamang sa dignidad ng bansa at kumilos bilang iisa tungo sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagpasok ng Bagong Taon. “The Philippines has long been divided by poisonous nay murderous politics…
Read MoreWALANG PINOY SA INDONESIA TSUNAMI – DFA
(NI ARDEE DELLOMAS) WALANG naitalang Filipino sa mga namatay sa naganap na tsunami sa Lampung at Banten, Indonesia. Ito ang pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs sa mga miyembro ng Filipino community sa lugar. Sinabi ni Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, agad silang nakipag-ugnayan sa National Disaster Management Authority sa lugar at nabatid na walang Pinoy ang napasama sa 222 namatay dahil sa tsunami. Hindi inabot ng tubig baha ang mga lugar na kinaroroonan ng mga Filipino sa nabanggit na bansa. 235
Read More