POE SA DOTr: PASAHERO NG ANGKAS ISIPIN DIN!

(NI DANG SAMSON-GARCIA) UMAPELA si Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na pag-isipang mabuti ang desisyon na bawasan ang alokasyon ng Angkas upang bigyang-daan ang pagpasok ng bagong kumpanya. Sa kanyang sulat, nanawagan si Poe kina LTFRB Chair Martin Delgra at TWG (Technical Working Group) Chair retired Police Major Antonio Gradiola Jr. na ikunsidera sa kanilang desisyon ang timing ng pagbabawas ng alokasyon. Binigyang-diin ni Poe na bagama’t naniniwala siyang dapat magkaroon ng kompetisyon sa industry ng motorcycle taxi, dapat naman anya itong gawin sa paraang walang maisasakripisyo…

Read More

KONTRATA NG WATER CONCESSIONAIRES, BUBUSISIIN NA

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SISIMULAN na ng Senado ang pagbusisi sa kontrata ng mga water concessionaire sa gobyerno. Aarangkada rin sa pagdinig ang pagbusisi sa panukala sa pagtatayo ng hiwalay na ahensya na mangangasiwa sa mga usapin hinggil sa suplay ng tubig. Sisimulan ng Senate Committee on Public Services, sa pamumuno ni Senador Grace Poe, ang pagdinig bukas, (December 11). Ayon kay Poe, pokus ng kanilang hearing ang pagbuo ng central water agency na nakatutok lamang sa suplay ng tubig, sewerage at sanitation. Katuwang ng Public Services sa hearing ang Senate…

Read More

BILANG NG MAG-AARAL SA BAWAT KLASE PINALILIMITAHAN

students12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Grace Poe na limitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase upang makatiyak na de kalidad na edukasyon ang maibibigay sa kanila. Sa kanyang Senate Bill 1190, iginiit ni Poe na dapat magkaroon ng regulasyon para sa bilang ng mga mag-aaral sa isang klase at magkaroon ng dagdag na insentibo sa mga guro na humahawak ng mas malaking klase. Ipinaalala ni Poe na ang edukasyon ang pundasyon ng bansa at tungkulin ng estado ang promosyonng de kalidad na edukasyon sa lahat ng antas…

Read More

PANGAKO NG DOTr SA MRT3 BABANTAYAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) UMAASA si Senador Grace Poe na tutuparin ng Department of Transportation (DOTr) ang nangako nitong matatapos ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT) 3 sa taong 2021. Sinabi ni Poe na ang karapatan mg publiko na masigurong ligtas at komportable ang MRT3 sa kanilang pang-araw-araw na pag-commute lalo na at may malaking pondo na ibinuhos bilang subsidy sa operasyon nito. Sa isinagawang interpelasyon sa hinihinging P147-bilyong budget ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni Poe na inaasahan nito na matutupad ng ahensya ang target na makumpleto…

Read More

KAPAG PURO NGAWA LANG; 3RD TELCO PARUSAHAN — POE

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang tiyaking matutupad ng ikatlong mobile player na Dito Telecommunity (dating Mislatel) ang pangako nitong bilis ng internet speed at lawak ng sasakupin ng serbisyo nito sa bansa sa susunod na limang taon. Sa deliberasyon sa panukalang 2020 DICT budget, iginiit ni Poe na dapat patawan ng parusa ang 3rd telco kung mabigo itong makatupad sa mga ipinangako sa ilalim ng franchise agreement. Sa unang taon ng operasyon na magtatapos sa July 8, 2020,…

Read More

REHABILITASYON NG LRT-2 TUTUTUKAN

lrt2a

(NI NOEL ABUEL) TIWALA ang ilang senador sa pahayag ng mga opisyales ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na matutupad ang pangako nitong agad na maibabalik ang normal na operasyon ng LRT-2. Sinabi ni Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services na nagsasagawa na ng masusing pagsisiyasat ang LRTA sa rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng rectifiers na nagsu-supply ng power sa Anonas-Katipunan stations. Mismong si Dr. Paul Chua, LRTA deputy for operation and engineering, ang nagsabi sa mga senador na hindi aabot ng siyam na buwan ang…

Read More

POE, TUGADE INUPAKAN SA PASOSYAL NA MRT; AYUSIN BAGO LUHO – SOLON

mrt3

(NI BERNARD TAGUINOD) “AYUSIN muna natin ang mga tren bago ang luho.” Ito ang mensahe ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng panukala na maglagay ng business class coach sa Metro Rail Transit (MRT)-3 upang maenganyo ang mga may kotse na sumakay dito. Ayon sa mambabatas, kung mayroong dapat tutukan ang DOTr ay tiyakin muna na maayos at maparami pa ang mga tumatakbo tren at siguradong hindi papalya ang operasyn ng MRT-3. Kapag nagawa umano ito ng DOTr, ay saka na ikonsidera ang…

Read More

BAWAS-BAYAD SA SLEX TOLL IGINIIT

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Grace Poe na magpatupad ng bawas-singil sa toll fee sa South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa epekto sa mabagal na daloy ng trapiko bunsod ng isinasagawang Skyway extension project. Ayon sa senador, hindi katanggap-tanggap na malaking pera ang ibinabayad ng mga motorista sa SLEX para mapadali ang takbo ng mga ito subalit kabaligtaran naman ang nangyayari sa kasalukuyan. “Motorists deserve to pay less for the trouble the gridlock is causing due to the extension project. Sa mala-prusisyong usad ng trapiko dahil dito, masama bang…

Read More

BUSINESS CLASS TRAIN SA MRT3, INIREKOMENDA 

mrt3

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang posibilidad na magkaroon ng business-class train coaches sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) upang mabawasan ang trapik sa EDSA. Ginawa ni Poe ang suhestyon sa hearing para sa proposed 2020 budget ng Department of Transportation (DOTr). Sa kanyang suhestyon, sinabi ni Poe na ang mga sasakay ng premium train coaches ay magbabayad ng P200 hanggang P300, na mas mataas sa normal fare sa ordinary trains ng MRT-3. “May nagsabi sa akin. Ewan ko if this…

Read More