(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGAN umanong tumindig na ang mga Filipino, at tutulan ang laro ni Chinese President Xi Jinping na kontrolin ang mga pangunahing serbisyo publiko sa Pilipinas. Panagawan ito ni Gabriela party-list Rep. Arlenes Brosas at gayahin umano ang ginawa ni Gat. Andres Bonifacio na tumindig laban sa mga Kastila upang ipaglaban ang bansa. “We are currently under Xi’s games aimed at capturing our power, water and telecom sectors,” ani Brosas lalo na’t mistulang ipinamimigay din umano ng gobyerno ang teritoryo ng bansa sa China lalo na sa West Philippine…
Read MoreTag: rally
FOREIGNER NA SASALI SA RALLY IPADEDEPORT
(NI FROILAN MORALLOS) NAGBABALA si Jaime Morente Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na iwasan sumali sa mga political activity sa bansa , partikular sa nalalapit na State of the nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte . Sinabi ni Morente na ito ay paulit-ulit nang reminder sa naturang prohibition upang hindi na maulit ang nangyaring insidente noong mga nakaraang administrasyon na ilan sa mga foreigner ang naipa-deport nang sumali ang mga ito sa mga protesta at mass action. Aniya ang kautusan ay bilang warning…
Read MoreBOUNTY SA MGA AKTIBISTA BINUHAY?
(NI BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA ang militanteng grupo na binuhay ang “hunt for bounty” laban sa mga aktibista na itinuturing ng estado na mga miyembro ng komunista kaya tuloy- tuloy ang pagpatay sa kanilang hanay. Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing pahayag kaugnay ng kaso ng kanilang dating spokesman sa Bicol region na si Neptali Morada na itinumba sa Naga City noong Hunyo 17. Ayon kay Zarate, mula noong Marso 2018, ay nilapitan na umano ng mga sundalo si Morada para papirmahin ng dokumento na nagsasabing surrenderer…
Read MoreKILOS-PROTESTA NG MILITANTE SA SONA ‘DI HAHARANGIN
(NI AMIHAN SABILLO) TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi haharangin ang mga magsasagawa ng kilos-protesta sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22, mapa-pro o anti-Duterte man ito. Ayon kay Police Col Bernanrd Banac ang tagapagsalita ng PNP, kinkilala umano ng PNP ang bawat kalayaang na magpahayag ng bawat isa. “Makikipag-ugnayan po tayo sa mga lider ng iba’t ibang sektor. (jumpcut) subalit ang pakiusap po natin sa mga lalahok sa mga kilos-protesta ay igalang din po nila ang karapatan ng majority, na pagkakaroon ng…
Read MorePUBLIKO HINIMOK SA PROTESTA VS COMELEC
(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY LUCAS LUKE) HINIKAYAT ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao ang publiko na makiisa sa kilos-protesta laban sa iregularidad sa 2019 midterm elections na hindi inaksyunan ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Casilao, naging tahimik ang poll body sa mga reklamo ng pandaraya at vote-buying gayundin ang discrepancies sa halalan gaya ng nangyari sa Bayabas, Surigao Del Sur kung saan sinasabing isang boto lang ang nakuha ng Anakpawis sa kabila ng marami silang volunteers. Aniya, nadungisan ang integridad at kredibilidad ng resulta ng eleksyon dahil sa…
Read MoreHILING SA NEGOSYANTE SA LABOR DAY: 14TH MONTH ‘REGALO’ SA WORKERS
(NI ABBY MENDOZA) IMBES na papuri sa mga manggagawa ang matanggap sa Labor Day,nais ng isang mambabatas na maglaan ng pinansyal na insentibo ang mga employers. Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo ang pinakamagandang regalo para sa mga manggagawa ay ang pag-angat ng kanilang kabuhayan at kanya umanong isinusulong ang pagkakaroon ng 14th month pay ng mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor. Ani Salo, hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng ilang negosyante na hindi nila kayang ibigay ang 14th month pay lalo at nakikita naman na maraming negosyo ang kumikita,…
Read MoreDFA TUTOK SA MGA PINOY SA HAITI
(NI ROSE PULGAR) NAKIKIPAG-UGNAYAN ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa tinatayang 500 miyembro ng Filipino Community sa Haiti para sa mahigpit na pagmomonitor sa sitwasyon sa Caribbean Country kasunod ng mararahas na kilos protesta simula pa noong Pebrero 8. Sa report ni Ambassador to the United States sa home office Jose Manuel G. Romualdez ang mga Pilipino sa Haiti ay pinayuhan na manatili sa loob ng bahay at ihanda ang kanilang mga plano sa sarili at seguridad. Hinikayat ng DFA ang mga Pilipino sa Haiti na magparehistro online…
Read More