(NI BERNARD TAGUINOD) MAUUNGUSAN ng mga government nurses ang mga public school teachers sa sahod simula sa susunod na taon at lalong lalaki ang agwat ng mga ito sa susunod na apat na taon. Simula sa 2020 ipatutupad na ang P30,531 na sahod ng mga government nurse matapos manalo ang mga ito sa kaso sa Korte Suprema at kasama din ang mga ito Salary Standardization Law (SSL) 5. Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, magkakaroon ng P6,088 na karagdagang sahod ang mga government nurse sa loob ng apat na taon…
Read MoreTag: sahod
GSIS COVERAGE, REGULAR NA SAHOD SA BRGY EXECS IGINIIT
(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng anunsyo ng Malacanang na makatataggap ng P3,000 bonus ang mga kawani ng barangay, isinusulong naman ng isang mambabatas na gawin nang buong taon ay Pasko para sa mga barangay workers sa pamamagitan ng pagbibigay ng GSIS coverage at regular salaries. Ayon Isabela Rep Faustino Dy, dating Liga ng mga Barangay President at may akda ng House Bill 4324 o Magna Carta for the Barangays, malaking tulong sa mga kawani sa Barangay kung mayroon na itong regular na sahod. Sa katunayan umano ay daig pa ng…
Read MoreSAHOD NG NURSES BAKIT ‘DI TUMATAAS?
(NI NOEL ABUEL) KINUWESTIYON ni Senador Bong Revilla kung bakit patuloy na binabalewala ng ilang ospital ang utos ng Korte Suprema na itaas ang suweldo ng mga nurses sa bansa na naaayon sa R.A. 9173 o ang “Philippine Nursing Act of 2002”. Sa gitna ng deliberasyon sa hinihinging pondo ng Department of Health (DOH), nagtanong si Revilla kung bakit hindi nakapaloob dito ang RA 9173 na nagsasaad na ang base pay ng mga nurse sa public sector ay nasa Salary Grade 15. Paliwanag ni Revilla, mahalaga na masigurong naipapatupad ang…
Read MorePONDO SA P30-K SAHOD NG NURSE IKINAKASA NA
(NI BERNARD TAGUINOD) IKINAKASA na ang resolusyon para maibigay na ang P30,531 na sahod ng mga nurse na nagtatrabaho sa mga government hospitals at iba pang health facilities ng gobyerno. Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, ang joint resolution ng Senado at Kamara ang tanging paraan para magkaroon na ng pondo at maibigay na ang nararapat na kaso ng mga nurse. “The House and the Senate have the option to pass a joint resolution putting into effect the higher starting pay of P30,531 for nurses employed by the national government,”…
Read MoreSAHOD NG HOSPITAL WORKERS PINATATAASAN
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lamang ang mga doktor at mga nars na nagtatrabaho sa mga government hospitals at iba pang health institution kundi lahat ng mga empleyado rito ang tataas ang sahod kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa House Bill (HB) 2994 na iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., sinabi nito na tulad ng mga doktor at nars ay kailangang din ng iba pang manggagawa sa mga pampublikong pagamutan ang dagdag na sahod. Ayon kay Aurelio, bukod sa mga doktor at mga nars, ay…
Read MoreSALARY INCREASE SA MGA GURO UMUUSAD NA
(NI BERNARD TAGUINOD) UMUUSAD na ang mga panukalang batas na magtataas , hindi lamang sa sahod kundi mga allowances ng mga public school teachers sa bansa. Ito ang nabatid matapos itatag na ng House committee on basic education na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang Technical Working Group (TWG) na mag-aaral para sa pagtataas ng sahod at allowance ng mga public school teacher. Umaabot sa 36 panukalang batas ang ihahain sa Kamara para sa salary at allowances increase ng mga guro sa bansa na kinabibilangan ng House Bill No.6 o…
Read MoreSAHOD NG GURO ITATAPAT SA ASEAN NEIGHBORS
(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang itaas ang suweldo ng mga guro sa bansa na dapat ipantay sa sinusuweldo ng mga guro mula sa mga bansa sa Association of South East Asian Nations (ASEAN). Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian sa pagsasabing ipaprayoridad nito ang panukalang naglalayong dagdagan ang sahod ng mga public school teachers sa elementary at secondary schools na may ranggong Teacher I, Teacher II, at Teacher III. Sa ilalim ng Senate Bill No. 178, mula sa Teacher I, Teacher II at Teacher III na public school teachers…
Read MoreSAHOD NG GABINETE TUMAAS NG 570% SA 20 TAON
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong pinakamasuwerteng state workers, wala ng tatalo sa mga miyembro ng Gabinete dahil tumaas ng 570% ang kanilang sahod sa nakaraang halos dalawang dekada. Ito ang nabatid sa ACT Teachers party-list group bilang pagtatanggol sa hinihinging umento sa mga public school teachers na tila kinontra umano ng Department of Education (DepEd). Ayon sa grupo na kinakatawan nina Reps. France Castro at Antonio Tinio, mula taong 2000 ay tumaas ng 570% ang sahod ng mga miyembro ng Gabinete dahil ang dati nilang sahod na P38,500 ay naging…
Read More