ANOMALYA SA PHILHEALTH FUNDS KAKALKALIN NG SENADO

rissa12

(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa kontrobersiya  sa paggamit ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis treatment. Ayon kay Senador Risa Hontiveros, kailangang may managot sa nasabing anomalya at hindi dapat na palampasin nang basta-basta. Sinabi nitong kailangan ang imbestigasyon sa ibinulgar ng whistleblower na si Edwin Roberto na pinapayagan ng PhilHealth ang mga kuwestiyunableng claims at pagpapalabas na pondo para sa mga ghost dialysis o dialysis treatments o mga dating sumasailalim sa naturang gamutan pero mga nasawi…

Read More

INCUMBENT, NEOPHYTE SENATORS MAY CAUCUS  SA BAHAY NI PACQUIAO

senate22

(NI NOEL ABUEL) NAKATAKDANG magsagawa ng caucus ang mga kasalukuyan at neophyte senators sa tahanan ni Senador Manny Pacquiao. Ito ang kinumpirma nina Senador Panfilo Lacson at Sherwin Gatchalian kung saan ang nasabing pagpupulong ay naglalayong kilalanin nang husto ang mga bagong miyembro ng Senado at talakayin ang mga komiteng nais na pamunuan ng mga ito sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III. “To expand information kasama ang incoming senators. Medyo ma-enhance ang projection kung Senate President Sotto will remain or continue as Senate president. By tomorrow…

Read More

ANTI-ENDO BILL PEKE, OBRERO LULUSOB SA KAMARA

endo32

(NI BERNARD TAGUINOD) SUSUGOD sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kababaihan at mga manggagawa upang i-protesta ang umano’y mapanlinlang na anti-endo bill na hindi na idinaan sa bicameral conference committee. Ito ang nabatid kina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Emmi de Jesus kung saan pupunitin umano ng mga ito, kasama ang mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno (KMU), ang “Fake Anti-Endo Bill. Ang tinutukoy ng dalawang babaing mambabatas ay ang Senate Bill (SB) 1826 na in-adopt ng Kamara kaya ang ipinaglabang bersyon ng mga kongresista ay nabalewala…

Read More

MILYONG WORKERS UMAASA SA ANTI-ENDO BILL

endor1234

(NI MINA DIAZ) IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang hakbang ng Senado para sa pagpapakita ng mahusay na pampulitikang pamumuno at ang pinakamataas na pamantayan ng legislative independence, matapos ipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa, ang makasaysayang Senate Bill No. 1826 o ang 21-anyos na “The Security of Tenure Bill”. “Fifteen senators shed hope to millions of endo workers nationwide. TUCP and the Nagkaisa Labor Coalition are overjoyed that notwithstanding a fierce lobby opposing the passage of SB 1826, led by employers, agency contractors and the…

Read More

ENDO WINAKASAN NA SA SENADO

endo12

(NI NOEL ABUEL) BILANG na ang araw ng mga employers na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa nito matapos ipasa sa huli at ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang pagbasura sa endo. Nagkaisa ang mga miyembro ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development na ihabol na maipasa ang Senate Bill No. 1826, na mas kilalang Endo bill na naglalayong ipagbawal ang labor-only contracting. “We longed for this day to come, especially our workers who have suffered because of the evils of endo, a practice which corrupts the…

Read More

MAGIC 12 POSIBLENG MAIPROKLAMA SA LINGGO

comelec

(NI HARVEY PEREZ) MALAKI ang posibilidad na mai-proklama na ngayon araw (Linggo)  ng Commission on Elections (Comelec), ang 12 nanalong senador sa natapos na mid-term electons nitong Mayo 13. Ito ay dahil sa nasa 98.08% na ang pumasok na election returns sa Comelec transparency server, dakong alas 9:08 ng umaga ng Sabado. Gayundin, nasa 87.43% na o  146 ng 167  Certificate of Canvas ang nabilang na ng Comelec official tally mula noong alas 7:20 ng gabi ng Biyernes. Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na tentative alas- 4:00…

Read More

GLORIA TIWALA SA DESISYON NI DU30 SA BUDGET

DUTERTE-SGMA

(BERNARD TAGUINOD) HINDI na kagulat-gulat kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget dahil noong siya ang pangulo ay ginagawa rin umano niya ito. Sa ambush interview kay Arroyo, sinabi nito na tiwala ito sa naging desisyon ni Duterte na i-veto ang mahigit P95 Billion sa P3.757 Trillion pondo ngayong taon. “Even me, I used to line veto. Every year I partially vetoed the budget. So it’s done and we trust the President’s judgement,” ang tanging pahayag ni Arroyo sa pag-veto ni Duterte…

Read More

P100-B SA P3-T NAT’L BUDGET, ‘DI PRAYORIDAD — PALASYO

duterte500

(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T tapos nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget, halos nasa P100 bilyon naman mula sa kabuuang P3.757 trilyon halaga ng pondo ang kanyang nai- veto. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang ginawang pag veto ng Pangulo sa P95.3 bilyon na bahagi ng  2019 national budget ay itinuring na lihis sa Saligang Batas. Sinabi ni Panelo na idinahilan ng Pangulo na hindi naman prayoridad ng pamahalaan ang mga proyektong nakapaloob sa P95.3 bilyon sa national budget kaya hindi nito hinayaang makalusot ang  karagdang…

Read More

PASKO SA SENADO; ‘INSERTIONS’ ‘DI GINALAW SA 2019 BUDGET

CONGRESS SENATE1

(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip na paggunita sa Biyernes Santo ang mood dahil sa Semana Santa, napaaga ang Pasko ng mga senador dahil lumalabas na hindi ginalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang insertions sa 2019 national budget. Ginawa ni House Appropriations committee chair Rolando Andaya Jr., ang pahayag dahil tila ipinagmamalaki umano ng Senado na nai-veto ni Pangulong Duterte ang kanilang amendment sa 2019 budget at hindi ginalaw ang mga insertions ng Senado na nagkakahalaga ang P83.9 Billion. Base sa mga report, pinirmahan na ni Duterte ang national budget…

Read More