(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa tapos ang ang bangayan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa 2019 national budget matapos hilingin ng mga kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na rebyuhin din ang P74 Billion ng mga senador na ayaw idetalye. Ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., ang kahilingan matapos hindi mapirmahan ni Duterte noong Marso kaya reenacted pa rin ang gamit na pondo ngayong Abril. Base kalakaran, hangga’t hindi napipirmahan ng Pangulo ang bagong General Appropriations ACT (GAA) ay reenacted ang pambansang pondo na gagamitin ng national government.…
Read MoreTag: senate
PROPOSED BUDGET PAG-AARALANG MABUTI NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) LULUSONG sa matinding pag-aaral ang isusumiteng proposed budget ng Kongreso. Ito ang tiniyak ng Malacanang sa harap ng pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na pipirmahan na nito ang proposed budget kahit na mayroon pang pag-aalinlangan. Una nang kinontra ng Senado ang paggalaw ng Kamara ng budget matapos itong dumaan sa ratipikasyon na ayon sa mga senador ay unconstitutional. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, kapag nakita ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaayon naman ito sa Saligang Batas ay agad itong lalagdaan ng Pangulo. Pero sakali…
Read MoreNEGOSASYON SA 2019 BUDGET SINIMULAN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN na ng mga kinatawan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang negosasyon sa 2019 national budget para maihabol umano ang mga proyektong nakaprograma ngayong taon habang panahon ng tag-init. Sa ambush interview, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya na umaasa ang mga ito na maliwanagan ang mga senador sa kanilang pag-itemized upang mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget. “Hopefully before the 29th of the monthy magkaron na ng budget. Hinahabol natin ang good weather (tag-init) window for infrastracture,” ani Andaya bago ang kanilang…
Read MoreSENADO HINIHINTAY SA FEDERALISM
(NI BERNARD TAGUINOD) TANGING Senado na lang ang hinihintay para umusad na ang Federal form of government na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential campaign. Ito ang pahayag ni House Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta, matapos muling umingay ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno mula sa kasalukuyang presidential form tungo sa federal system of government. “The House of Representatives fully supports President Durerte’s crusade to set out federalism in the country through constitutional processes. We have done our part, under the leadership of Speaker Gloria Macapagal Arroyo, to deliver…
Read MoreGLORIA: TAPUSIN NA ANG DEADLOCK SA BUDGET
(NI BERNARD TAGUINOD) “We’ll end the impasse as soon as possible.” Ito ang direktiba ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa 3-man team na kanyang binuo para makipagnegosasyon sa kanilang counterpart sa Senado hinggil sa 2019 national budget. Sa ambush interview Biyernes ng hapon, itinanggi ni Arroyo na siya ang utak sa pagkalikot sa national budget para paboran ang kanyang mga kaalyado sa Mababang Kapulungan. Maliban sa kanyang direktiba sa 3-man team na sina House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., San Juan City Rep. Ronaldo Zamora at Albay Rep.…
Read MoreSENADO, KAMARA PATIGASAN PA RIN SA 2019 NAT’L BUDGET
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T nagkasundo na ang mga lider ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na mag-usap upang matapos na ang deadlock sa 2019 national budget, mistulang namumuro pa rin ang reenacted budget. Bumuo si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo nang 3-man panel na kinabibilangan nina House appropriation commmittee chairman Rolando Andaya Jr., Albay Rep. Edcel Lagman at San Juan City Rep. Ronaldo Zamora para makipag-usap sa kanilang mga counterpart sa Senado. “We are given 5 days, the 3-man committee and the Senate counterpart to resolve the impasse, kung mag-fail magpakatotoo…
Read MoreSENADO BINAKBAKAN NI DU30: MAYORYA WALANG ‘K’
(NI BETH JULIAN) BUMANAT muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakapuwesto ngayon sa Senado matapos diretsahang sabihin na karamihan sa mga senador ay hindi nararapat sa puwesto. Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City, sinabi nito na mayorya sa mga senador ngayon ay walang karapatan sa puwesto kung saan tinumbok nito na isang babaeng senador ang ‘walang utak’ at sarcastic. “Diyan sa Senado… there are a lot of those there who should not be there…And there is one lady who is eternally sarcastic. Wala…
Read MoreCONGRESS, SENATE SA 2019 BUDGET: DEADLOCK!
(NI ABBY MENDOZA) DEADLOCK pa rin ang dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa 2019 proposed national budget. Matapos ipagmalaki ng Senado na pumayag na ang House of Representatives na bawiin nito ang naisumute nilang bersyon ng budget ay pinabulaanan naman ito ngayon ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Nanindigan si Arroyo na hindi nila binawi ang kanilang bersyon bagkus ay pinag-uusapan nila ang gagawing pagbabago. Matatandaan na una nang kinumpirma ni San Juan City Rep Ronnie Zamora na nagkausap na sila ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa pagbawi ng Mababang Kapulungan…
Read MoreKAMARA ‘DI YUYUKO SA SENADO SA SPECIAL SESSION NG 2019 BUDGET
(NI BERNARD TAGUINOD) GAME ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng special session tulad ng plano ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III upang maayos na 2019 national budget. Gayunpaman, huwag umasa ang mga senador na bibigay ang mga kongresista sa kanilang kagustuhan na ibalik sa lump-sum budgeting mode ang 2019 national budget dahil hindi ito mangyayari. Ayon kay House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr., bukas sila sa lahat ng ideya tulad ng pagkakaroon ng special session para muling matalakay ang hindi pagkakaunawaan sa national budget. “We welcome…
Read More