PNP: GENERALLY PEACEFUL ANG TRASLACION

traslacion by Romy Aquino

(Ni FRANCIS ATALIA) UMAASA ang Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na hanggang sa makarating ang itim na Nazareno sa loob ng Quiapo Church ay magiging mapayapa sa kabuuan ang Traslacion. Sa pagmo-monitor ng PNP, mangilan-ngilan lamang ang naitalang kaso ng Manila Police District (MPD) tulad ng pagkawala ng cellphone at wallet. Tiniyak naman ni Albayalde na may sapat na puwersa ang kapulisan sa paligid ng Quiapo  hanggang sa matapos ang Traslacion. Kaugnay ng prusisyon, kaninang ala-6:00 ng gabi ay nasa Castillejo st. ang andas na naglalaman ng imahe…

Read More

MPD OFFICIAL INIREKLAMO NG PANANAKIT SA TRASLACION

police

INIREKLAMO ng tatlong tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano’y pananakit sa kanila ni C/Insp. Alden Panganiban, deputy station commander ng MPD station 11. Sinabi ng mga nagrereklamo, ng Regional Personnel Holding and Accounting Unit at Regional Support Unit,  na hindi umano nagkaroon ng pagkakaintindihan ang kanilang grupo at ni Panganiban, sa pagpapatupad ng kaayusan sa Traslacion ng Poong Nazareno. Sinabing hindi umano nasunod ng ilang pulis ang utos ni Panganiban kaya’t kumuha ito ng kahoy at pinagpapalo ang mga naka-deploy na tauhan. Hindi pa nagbibigay ng…

Read More

TRASLACION USAD-PAGONG SA MILYONG DEBOTO

Traslacion by Kin Lucas

(NI JET D. ANTOLIN/PHOTO BY KIN LUCAS) MABAGAL na pag-usad ng prusisyon ang inaasahan hanggang mamayang hatinggabi kasabay ng hindi na halos mahulugang karayom na deboto na lumahok sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno. Hanggang kaninang alas-6 ng umaga ay umaabot na sa halos kalahating milyon ang debotong dumagsa sa Quirino grandstand para masilayan ang milagrosong Itim na Poon ng Nazareno na sinasabing nagpapagaling sa mga sakit at tumutupad sa kahilangan ng deboto. Mahigit naman sa 200,000 katao ang nagpasyang matulog sa Luneta Park para makauna sa prusisyon at…

Read More

‘ALL SYSTEMS GO’

NAZARENO By MJ ROMERO

(NI SAMANTHA MENDOZA/PHOTO BY MJ ROMERO) TAPOS na ang paghahanda  at “all system go” na ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping Traslacion sa Enero  9. Ito ang kinumpirma ni Manila Police District Director PSSupt. Vicente Danao, kung saan naka full alert ang buong puwersa ng pulisya. Nabatid na sinimulan na rin kanina ang no vendor policy sa paligid ng Quiapo Church  at sa paligid ng Quirino Grandstand kung saan isasagawa ang “pahalik”at sa lahat ng ruta ng prusisyon. Isinara na rin ang South bound lane…

Read More

TRASLACION GAWING PAYAPA — ERAP 

erap

(NI MITZI YU) UMAPELA si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga mamayan ng lungsod at sa PNP na tiyaking ligtas at mapayapa ang traslacion sa Enero 9, Miyerkules. Ayon kay Estrada, bagama’t naniniwala siya sa kapasidad ng PNP sa pangunguna ni General Oscar Albayalde at ni Manila Police Chief, Senior Supt Vicente Danao, Jr.; kailangan pa rin ang pakikiisa ng mga residente ng Maynila upang masiguro ang kaayusan sa prusisyon. Ipinag-utos na rin ni Estrada ang paglililinis sa mga daraanan ng Itim na Nazareno, pati na ang mga obstructions tulad…

Read More