TAGUMPAY ALAY NI BBM SA MGA MAGULANG

(CHRISTIAN DALE)

“THESE are all for you and Daddy.”

Ito ang tinuran ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa inang si dating First Lady Imelda R. Marcos kaugnay ng kanyang pagkakahalal bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Sa vlog na inupload sa YouTube, ibinahagi ni BBM na alay niya sa mga magulang na sina former president Ferdinand Sr. at former FL Imelda ang tagumpay sa nakaraang halalan.

“I was surprised because I saw her (Imelda) approaching and when I turned around, she was already on the stage,” ayon kay Marcos Jr.

Inalala pa ni Marcos Jr. kung paano ang kanyang ina ay sinamahan siya sa stage nang isagawa ang kanyang proklamasyon.

“I wondered how she was able to get up on the stage. And it turned out that when people were helping her and asking her to use the wheelchair, she refused and insisted she could do it.”
“She was smiling from ear to ear. It was a joyous moment. I think the adrenaline rush powered her through,” ayon pa rin kay Marcos Jr. sa kanyang vlog.

Sa nasabi ring vlog na naka-post sa YouTube noong Sabado, binanggit ni former FL Imelda ang mga katagang: “I have two presidents!”

Sinasabing ito ang unang pahayag na narinig ng pubiko mula kay Mrs. Marcos mula nang manalo ang kanyang anak sa katatapos lamang na eleksyon sa bansa.

Ang Marcos patriarch, Ferdinand Sr., ay namatay noong 1989, tatlong taon matapos mapatalsik sa pwesto dahil sa People Power Revolution noong February 1986.

228

Related posts

Leave a Comment