BATAY sa mga survey ng Social Weather Station, Pulse Asia, OCTA Research, PhilDATA Trends at sa latest survey – na tinanong ang mga iskolar ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay lalong pinatibay ang nakatakdang panalo at pagbabalik ni Yorme Isko bilang alkalde ng lungsod sa palapit na 2025 midterm elections.
Kasama na ang dumadagundong na sigaw: Bumalik ka na Yorme Isko, walang puknat na reaksyon ng mga botante at ang tuloy-tuloy na paglago ng suporta sa kanya, hindi na mapipigilan pa, babalik na si Isko. Panahon na para palitan ang liderato sa Maynila.
Ang trabaho sa pagpapasigla at pagbabalik ng ningning at sigla ng Maynila ay nasa kamay lamang ni Yorme Isko Moreno.
Ayon nga sa mga Manilenyo: Yorme Isko is really the man for the job to make Manila great again!
