Tala, Bayad, Magkatuwang sa Pagsulong ng Financial Inclusion sa Pilipinas

Opisyal na inanunsyo ng Bayad at Tala executives ang kanilang partnership na naglalayong makatulong sa financial inclusion ng mas maraming Pilipino. Makikita sa larawan mula sa kaliwa) sina Tala President and Head of Finance Charisse Alvarez; Tala Chief Business Officer Jori Pearsall; Bayad President and CEO Lawrence Y. Ferrer; at Bayad Chief Commercial at Marketing Officer Dennis S. Gatuslao

 

Opisyal nang inanunsyo ng Tala Financing Philippines, Inc. (Tala), isa sa mga nangungunang digital lending institution sa Pilipinas ang kanilang partnership sa CIS Bayad Center, Inc. (Bayad), isang multi-channel payment platform provider at subsidiary ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa ilalim ng kasunduan ng dalawang kompanya, ay magproproseso ng bills payment transactions ang Tala sa pamamagitan ng kanilang mobile application. Ngayon, mas mapapadali at mapapabilis ang pagbabayad ng Meralco bills ng kanilang milyon-milyong users.

Bukod dito, ay wala itong transaction fee at maaari ding magamit ang kanilang Tala loan credits para makapagbayad ng Meralco bills sa tamang iskedyul.

Inaasahan ding mag-integrate ang Bayad at Tala ng iba pang mga billers gaya ng electric at water utilities, telecommunications, cable, internet, insurance, online shopping at marami pang iba. “This partnership will make it easier for Tala customers to access the financial services they need, when they need them.

We believe everyone deserves access to financial services, regardless of their background or circumstances,” (“Ang partnership na ito ay magbibigay daan para mas mapadali ang pag-access ng Tala App users sa anumang serbisyong pinansyal na kanilang kakailanganin.

Naniniwala kami na karapat-dapat ang sinuman na magkaroon ng access sa mga financial services, anuman ang kanilang katayuan sa buhay.”) sabi ni Jori Pearsall, Chief Business Officer ng Tala. “Through our partnership with Tala, we are able to strengthen our collective goal of elevating the financial experience of Filipinos.

Together, we will enable a seamless, secured, and efficient one-stop shop payment solution.” (Kasama ang Tala, itataguyod namin ang aming layunin na itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino sa aspetong pinansyal.

Patuloy kaming magbibgay ng mabilis at siguradong one-stop shop bills payment solution gamit ang Tala App.”) pahayag ni Lawrence Ferrer, President at CEO ng Bayad Center.

Tungkol sa Tala Ang Tala ay ang nangungunang app sa mundo para sa mga taong hindi makapagbukas ng account sa banko.

Nagsisilbi itong isang digital na tulay para mabigyan ng pagkakataon ang nakararami na makahiram ng pera sa mabilis, ligtas at legal na paraan. Sa mga tinatawag na emerging markets, Tinutulungan ng Tala ang mga mamamayan sa tinatawag na emerging markets upang makalahok sila sa pandaigdigang ekonomiya. Sa kasalukuyan, ang Tala ay nagproproseso ng halos $200 milyon sa mga transaksyon kada buwan para sa mahigit walong milyong customer sa Kenya, Pilipinas, Mexico, at India na gumagamit ng Tala para lumago ang kanilang mga negosyo at pinansiyal na seguridad.

Ang Tala ay nakapagtayo na ng halos $500 milyon sa pag pasok ng kapital at pautang mula sa mga visionary investors, kabilang ang Upstart, Stellar Enterprise Fund, RPS Ventures, J. Safra Group, IVP, Revolution Growth, Lowercase Capital at PayPal Ventures.

Kinilala ang Tala bilang isa sa CNBC’s Fortune Impact 20, CNBC’s Disruptor 50 list sa apat na magkakasunod na taon at sa Forbes’ Fintech 50 list ng pitong magkakasunod na taon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Tala, bisitahin ang https://tala.ph/borrow/.

Para sa mga tanong tungkol sa mga lehitimong digital lending applications, mag-email sa support@tala.ph o makipag-ugnayan gamit ang opisyal na Tala app. Ang Tala ay pinamamahalaan ng Tala Financing Philippines Inc., isang lisensyadong financing company na may SEC Registration No. CS201710582 at Certificate of Authority No. 1132, at registered operator of payment system, na may OPS Registration No. OPSCOR-2023-0010.

Tandaan, laging suriin at pag-aralan ang terms and conditions pati na rin ang disclosure statement bago magpatuloy sa anumang credit transaction.

Tungkol sa Bayad Ang Bayad ay ang nangunguna at pinagkakatiwalaang brand sa outsourced payment collection service sa Pilipinas, at kilalang aggregator ng ibat ibang billers sa mahigit 100,000 establishment brands katulad ng store outlets, pawnshops, malls, supermarket, convenient stores, digital platforms at marami pang iba.

Kilala sa dating pangalan na Bayad Center, ay patuloy na pinapatunayan ng Bayad ang kalidad ng mga serbisyong pinansiyal nito bilang isang full-service fintech company na nagbibigay oportunidad hindi lang sa mga customers nito kundi pati na rin sa mga maliliit at malalaking negosyante ng bansa.

324

Related posts

Leave a Comment