TANGKA NG ATLETA NA MANALO NG KAUNA- UNAHANG OLYMPIC GOLD MEDAL, NAMIMILIGRO

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA

 

 

NOONG Sabado, tumuntong na sa ika-5 buwan ang lockdown sa lahat ng sports sa buong mundo, kasama ang Pilipinas, bunga ng walang tigil na COVID-19 pandemic. Naging dahilan din ito ng pagkabalam ng preparasyon ng ating mga atleta tungo sa pinapangarap na Olympic gold medal.

Pati ang tangka ng 80 pang atleta na makapasok sa ipinagpalibang 2020 Tokyo XXXII Games ay tila hindi rin matutuloy dala ng salot ng pandemyang ito.

Ang mga Olympic qualifier sa boksing na sina  middleweight Eumir Marcial sa national men’s team at flyweight Irish Magno sa distaff side, ay patuloy na naghahanap pa ng training venue kung saan nila ipagpapatuloy ang kanilang preparasyon  para sa Olimpiyada na nalipat ng petsa sa susunod na taon.

Ganoon din ang 80 iba pang naghahangad na mag-qualify sa 19 na sports.

Ang transpormasyon ng lahat ng training venues sa New Clark City sa Tarlac, Rizal Coliseum at Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at  ULTRA sa Pasig City, ay ginawang quarantine facility na naging dahilan sa kakulangan ng lugar para pag-ensayuhan ng mga atleta.

Ganoon  din, siyempre, ang pagbaba ng kita ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR), kung saan ang Philippine Sports Commission ay kumukuha ng pondo nito, na itinigil ang lahat ng aktibidades mula nang ideklara ang lockdown sa bansa.

Ang magandang balita, sina pole vaulter Ernest John ­Obiena at gymnast Carlos Yulo, ang dalawa pang Olympic qualifier natin, ay hindi nadamay sa dahilang sila ay kasalukuyang nakatira sa ibang bansa kung saan sila ay patuloy na nakakapag-ensayo. Si Obiena ay naka-base sa Formea, Italy samantalang si Yulo ay nasa Tokyo, Japan.

Ang dalawa ay kumatawan sa Pilipinas at nakapagbigay kapuwa ng gintong medalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na ginanap dito noong 2019. Si Obiena, ayon sa kanyang inang si

Jeanete ay gumaling na ang back injury at nakapag-eensayo na. Ganoon din si Yulo, kuwento naman ng kanyang Mommy Angge.

Si Rio de Janeiro Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, na tiyak ding makapapasok sa Tokyo Games, ay nasa Malaysia mula pa noong mag-lockdown sa Pilipinas, at tuloy-tuloy din ang training.

131

Related posts

Leave a Comment