(Ni JO CALIM)
Nagsagawa ng pagpupulong ang Prevention and Control Task Force ng lalawigan ng Aklan upang mapigilan ang posibleng pananalanta sa kanila ng African Swine Fever (ASF) na nakaaapekto sa mga alagang baboy.
Pinangunahan ang pagpupulong ni Aklan Gov. Florencio T. Miraflores noong Agosto 27, 2019 sa conference room ng Aklan Provincial Capitol.
Kabilang sa mga bumubuo ng task force ay ang kinatawan mula sa Bureau of Customs-Kalibo International Airport, Veterinary Quarantine Service-VI-BAI, Aklan Provincial Office, Kalibo LGUs, Philippine National Police, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of Agriculture-RFO-6, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Food and Drug Administration, Department of Trade and Industry, Agricultural Training Institute, at iba pa na dumalo rin sa nasabing pagpupulong.
Layunin ng Task Force na mapigilan ang pananalanta ng ASF sa mga meat products at maprotektahan ang local swine industry at iba pang may kaugnayan sa industriya at higit sa lahat makontrol ang ASF case of entry/outbreak sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng Task Force, ay magiging epektibo ang ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno para mapigilan at mawala ang presensya ng ASF infected livestocks, meat at meat products sa lalawigan.
Una nang pumutok ang isyu ng ASF sa iba’t ibang bansa tulad ng China kung kaya’t naghigpit ang mga hangganan ng bansa laban sa mga produktong karne at iba pang produkto na katulad nito.
