KINASUHANna sa Department of Justice ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa pagtakas ng isang high-profile South Korean fugitive.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang pagsasampa ng kaso laban sa personnel ng immigration ay batay sa nakuhang ebidensya gaya ng CCTV footage at testimonya ng mga nakakita
Sa footage, makikita na ineskortan ang dayuhan ng immigration personnel sa isang establisyimento para gumamit ng CR.
Ilang sandali pa ay lumabas ang pugante na mag-isa saka tumawid sa kalsada at sumakay sa isang get-away vehicle.
Tiniyak ni Viado na maparurusahan ang lahat ng mapatutunayang may kinalaman sa insidente.
Hindi na aniya pwede ang mga under the table na transaksyon at wala silang sasantuhin na mga sangkot sa korupsyon at iba pang ipinagbabawal na mga gawain. (JOCELYN DOMENDEN)
