TINAGPAS NA PUNONG KAHOY, MAY DUGO

DAVAO CITY – Pinagkaguluhan sa social media ang larawan ng tinagpas na punongkahoy mayroon umanong umaagos na dugo

sa bayan ng Sto. Tomas sa Davao del Norte.

Ang larawan na na-post sa Facebook page ni Rommel Collena ay umani na ng 58 komento at apat na shares.

Ayon kay Collena, siya ay nasa Kidapawan City ngunit ang larawan ay kuha ng kanyang bayaw sa bayan ng Sto. Tomas matapos magimbal dahil parang dugo umano ng tao ang dumadaloy mula sa tinagpas na punongkahoy.

Napag-alaman na pinutol ang nasabing kahoy dahil sa isinagawang

“clearing operation” ng Davao Light and Power Company (DLPC) sa highway ng Nafco papuntang Marscon.

Hindi batid ni Collena kung anong klase ng punongkahoy ang nasa larawan ngunit naniniwala siyang isa itong narra na tinatawag na “bloodwood” dahil pula ang dagta nito.

Habang ang bise mayor ng Sto. Tomas na si Erick Stella ay naniniwalang isang ordinaryong kahoy lamang ang naka-post sa Facebook, dahil hindi aniya nabalita sa kanilang bayan na may kahoy na may dumadaloy na dugo.

Alam din ng bise-alkalde na may isinagawang “clearing” ang DLPC sa nasabing lugar ngunit hindi rin nabalitang may kahoy na may dumadaloy na dugo. (DONDON DINOY)

297

Related posts

Leave a Comment