TODAS SA COVID SA MALABON, NAVOTAS

DALAWA ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Malabon City habang dalawa rin ang namatay sa nasabing sakit sa Navotas City, ayon sa ulat ng health offices ng dalawang lungsod.

Bunsod nito, umakyat sa 562 ang COVID death toll sa Malabon noong Setyembre 5, habang 57 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 17,820 ang positive cases sa lungsod, 950 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Acacia (4), Baritan (1), Catmon (2), Concepcion (9), Dampalit (15), Hulong Duhat (5), Longos (5), Niugan (4), Panghulo (4), San Agustin (1), Tinajeros (3), Tonsuya (1), at Tugatog (3).

Habang 58 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Acacia (4), Baritan (5), Catmon (17), Concepcion (5), Dampalit (5), Flores (1), Longos (7), Panghulo (3), San Agustin (1), Tinajeros (3), Tonsuya (5), at sa labas ng Malabon (2). Sa kabuuan ay 16,308 ang recovered patients sa lungsod.

Sumampa naman sa 457 ang pandemic fatalities ng Navotas hanggang 11:59 pm noong Setyembre 4 habang umalagwa sa 1,813 ang active cases makaraang 67 ang gumaling at 67 naman ang tinamaan ng virus.

Umabot na sa 15,212 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa naturang bilang ay 12,942 na ang gumaling. (ALAIN AJERO)

96

Related posts

Leave a Comment