TOP 2 MWP SA DROGA SA CALABARZON, TIMBOG SA CIDG

 CAVITE – Nabingwit ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Cavite ang tinaguriang top 2 most wanted person (MWP) sa ilegal na droga, regional level sa CALABARZON sa isinagawang operasyon sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Cezario Gatdula y Leynes, binata, isang construction worker, ng Brgy. Amaya V, Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:21 ng hapon noong Linggo nang magsagawa ng “Oplan Pagtutugis” ang mga operatiba ng CIDG-Cavite (lead unit) at PMFC-Cavite sa Brgy. Amaya V, Tanza, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gatdula sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu ni Judge Gaysol Cayarian Luna, ng  RTC Branch 130, Trece Martires City, dahil sa kasong paglabag sa Section 11 at Section 5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002),

May inirekomendang piyansa na halagang P200,000 sa unang kaso (Sec. 11) para sa kanyang pansamantalang paglaya ngunit wala namang inirekomendang piyansa para sa pangalawa nitong kaso (Sec 5). (SIGFRED ADSUARA)

139

Related posts

Leave a Comment