TOP 3 MOST WANTED LAGLAG SA PNP-PRO5

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang top 3 most wanted person sa kasong murder sa Masbate City.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nadakip na si Elmer Esparraguerra y Deonilla, ng Brgy. San Isidro, San Jacinto, Masbate City, nakatala bilang top 3 most wanted person municipal level sa San Jacinto, Masbate.

Noong Sabado, Hunyo 5, dakong alas-10:15 ng umaga, sa Sitio Lipata, Brgy. Burgos, San Jacinto, Masbate City, ay nagsagawa ng intelligence operation ang mga awtoridad sa pangunguna ng San Jacinto MPs, Masbate, kasama ang mga operatiba ng 503rd Maneuver Coy, RMFB5, at 2nd PMFC, sa ilalim ni P/Maj. Alfredo D. Lastrella Jr., laban sa nasabing suspek.

Nadakip ng mga awtoridad sa nasabing operasyon ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Arturo Clemente B. Revil, presiding judge ng RTC Branch 50, 5th Judicial Region, San Jacinto, Masbate City. Walang inirekomendang pyansa ang nasabing korte para sa suspek sa kasong murder.

Ang akusado na nagtago ng halos isang taon, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang nagngangalang Boy.

92

Related posts

Leave a Comment