TOP 5 MOST WANTED KARNAPER TIKLO SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang itinuturing na top 5 most wanted person dahil sa kasong carnapping, sa bisa ng warrant of arrest, sa Brgy. Prinza, Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes, Nobyembre 23.

Sa pangunguna ni P/Lt. Col. Samson Belmonte, chief ng Regional Highway Patrol Unit 4-A, nadakip ang suspek na kinilalang si Darwin Nido Dejan, residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, nagkasa ng manhunt operation ang team ni P/Capt. Charlie Reyes, kasama sina PEMS Ferdinand Tarun, PCMS Aldwin Blaza, PCMS Lian Manalo, PSSgt. Rodolfo Uy, at ang mga operatiba ng SOT/RHPU4A, sa pangungujna ni P/Maj. Gemuel, upang madakip ang suspek na si Dejan.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10882 (New Anti-Carnapping Law of 2016) na inisyu ni Hon. Glenda Mendoza-Ramos, Presiding Judge ng RTC Branch 36, Calamba City, Laguna.

Inirekomenda ng korte ang P300,000 bilang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek. (CYRILL QUILO)

352

Related posts

Leave a Comment