SINUSPINDE ni Senate President Vicente Sotto III ang trabaho sa buong Senado sanhi ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.
Sa advisory na ipinalabas, sinabi ni Atty. Myra Marie D. Villarica, senate secretary, pinasuspinde ni Sotto upang hindi maapektuhan ang opisyal at kanilang mga tauhan sa pananalasa ng bagyo.
“Per instructions of Senate President Vicente C. Sotto III, please be advised that work in the Senate will be suspended today,” ayon sa advisory ni Villarica kahapon.
Aniya, sinuspinde rin ang lahat ng pagdinig at pulong na naka-schedule ngayong araw.
“Hearings and meetings scheduled today are postponed until further notice,” aniya.
Sinabi ni Villarica na magbabalik ang trabaho sa Senado sa Lunes, November 16, 2020. (ESTONG REYES)
