BINISITA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tropa ng mga sundalo na lumalaban sa Muslim extremists sa Mindanao, araw ng Lunes, Hulyo 13.
Nagpasalamat din ang Chief Executive sa kanilang commitment para protektahan ang bansa sa gitna ng coronavirus pandemic at banta mula sa mga militante.
“To our brave soldiers who are with us today, I personally came here to thank you on behalf of the Filipino people for your undying service, especially during these trying times,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga sundalo sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo.
“As we fight the COVID-19 pandemic, lawless elements still take advantage of and ravage across our land, disrupting public order. Recently, it has been a difficult time for our men and women in uniform due to the escalating tensions between the military and the terrorist groups,” ayon sa Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang pagyabong ng bansa ay dekada nang hinahadlangan ng insurgency at terorismo.
“That is why you have my utmost respect as you risk your lives in the name of peace, security, and development efforts in our region,” aniya pa rin.
Binanggit din ng Chief Executive ang tensyon sa pagitan ng mga pulis police at militar matapos na mapatay ang 4 na sundalo sa Jolo kung saan ay dawit ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ipinaabot naman ng Pangulo ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga ‘military men’ at nangakong ilalabas ang katotohanan sa nasabing insidente.
Nakatanggap na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kautusan mula sa Pangulo na magsagawa ng mabilis at impartial investigation sa Jolo incident.
“As your Commander-in-Chief and as President of the Republic of the Philippines, I assure you that I will see to it that the truth will come out be it in favor of the police or the military. Ang hinihingi ko lang ang totoong nangyari,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“So you can rest assured that justice will be done to the family at sa mga tao dito sa — ang mga tropa dito sa Jolo.” dagdag na pahayag niti.
Samantala, sa naging pagbisita pa rin ng Pangulo ay sinaksihan nito ang pagkakaloob ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan sa dalawang sundalo na nasugatan sa July 6 encounter sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Bakung, Patikul, Sulu.
Pinagkalooban nina Lt. Gen. Cirilito Sobejana at Maj. Gen. Corleto Vinluan ng nasabing award sina S/Sgt. Ramonito Q. Diapolet at Cpl. Maynard D. Cabote. (CHRISTIAN DALE)
