MAGUINDANAO – Dead on the spot ang isang punong barangay matapos na paslangin ng ‘di pa kilalang gunman habang nasa loob ng barangay hall ng Brgy. Pandag sa bayan ng Pandag, sa lalawigang ito, Sabado ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Guimaludin Mamalinta, barangay chairman at residente ng lugar.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, pasado alas-4:00 ng hapon habang nasa loob ng kanyang opisina ang kapitan ay bigla itong pinasok ng gunman at pinagbabaril.
Pagkaraan ay tumakas ang suspek sakay ng service vehicle.
Blangko pa ang mga awtoridad sa posibleng motibo sa krimen. (BONG PAULO)
141 