TULOY ANG LIGAYA; JUETENG ‘DI IPATITIGIL NI DU30 

jueteng22

(NI BETH JULIAN)

TIYAK nang abot hanggang tainga ang ngiti ng mga gambling lords na nakasentro sa operasyon ng illegal na jueteng sa bansa.

Ito ang aasahan matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang siyang plano ngayon na maghigpit at ipatigil ang operasyon ng jueteng sa bansa.

Sa talumpati Martes ng gabi, sinabi ni Duterte sa oathtaking ng bagong halal na lokal na opisyal sa Malacanang, na kapag nabuwag ang network ng jueteng, ang aparatus naman ng ilegal na droga ang tiyak na papalit dito.

Aminado ang Pangulo na hangga’t hindi nakapaglalagay ng pagkain sa  bawat mesa ng mahihirap na Filipino ang pamahalaan  ay marami pa rin susugal sa buhay tulad na lamang ng pagtaya o pagpapataya sa jueteng.

Sinabi ng Pangulo na ang jueteng ay ang pinaka-epektibong uri ng networking at hindi gaya ng Kapa Ministry International na may sabit ang operasyon.

Dagdag pa ng Pangulo na hindi niya mautusan ang mga pulis na araw arawing mag-raid ng operasyon sa jueteng dahil wala siyang sapat na puwersa at tauhan para ito gawin.

Ikinatwiran ng Pangulo, kung papipiliin siya sa pagitan ng ilegal na  droga at jueteng ay tiyak na mas pipiliin niya ang jueteng na maituturing na  lesser evil.

213

Related posts

Leave a Comment