NEGATIBO sa 2019 Novel Coronavirus (nCOV)ang isang grade 12 student ng University of the East (UE) na umano’y na-confined sa UERM Medical Hospital.
Kinumpirma ito ng naturang unibersidad makaraang matanggap ang resulta ng laboratory examination mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon kay UE President Ester Garcia, ang nasabing estudyante ay unang nagpakonsulta sa school clinic dahil sa pagkakaroon ng ubo matapos magbiyahe sa Hong Kong noong nakalipas na Chinese New Year.
“Nitong Sabado ay nakuha na ang resulta na ‘negative’ pahayag ni Garcia.
“The student instead appears to have had an upper respiratory tract infection and allergic rhinitis, which are fairly common and manageable conditions. As of this writing, the student is awaiting discharge from UERMMH.”
Nauna nang sinuspinde ang pasok ng UE nitong nakaraang Biyernes (Pebrero 7) sa Manila Basic Education Department matapos ilabas ang impormasyon na may pinaghihinalaang nCoV infected na estudyante.
Nagkaroon din ng disinfection sa nasabing campus bilang precautionary measure.
Bunsod nito, magiging regular na ang klase at maaari nang makabalik sa eskuwela sa linggong ito ang nasabing mag-aaral na ginamot sa UERMMH. (RENE CRISOSTOMO)
138