UKAY-UKAY BAWAL I-DONATE – DSWD

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso kung kailangang magbago ng batas ukol sa pagbibigay ng mga used clothing o ukay-ukay para sa mga nabiktima ng kalamidad.

Reaksyon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng umanoy ipinost ng DSWD sa social media na no used clothing donation policy.

Alinsunod na rin ito sa Administrative Order 11 series of 2012 at sa itinatakda ng RA 4653 na nagbabawal sa Commercial Importation ng textile articles o used clothing.

Aniya, nasa batas talaga ang hindi pagpapahintulot ng mga ukay- ukay.

Kaya ang mas makabubuti aniya na ipasa na lang sa Kongreso ang usapin at mula duon ay magkaruon ng linaw kung nangangailangan bang maamyendahan ang batas sa harap ng matinding pangangailangan ng mga pami-pamilyang nabiktima ng kalamidad nitong mga nakalipas na araw.

Base sa social media post ng DSWD, hindi nila hinihikayat ang pagdo-donate ng mga ukay- ukay upang maiwasan na rin ang anomang health hazards na maaaring maipasa mula sa mga damit na kilala rin sa bansag na ‘made in UK’. (CHRISTIAN DALE)

251

Related posts

Leave a Comment