UNAHIN ANG SOLUSYON SA COVID-19 – SOLON

SA halip na gumawa ng kaukulang hakbang para masolusyunan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic ay mas inuna pa ng pamahalaan ang pagtanggal sa libu-libong manggagawa.

Ito ang iginiit ni Senador Risa Hontiveros kung saan sa halip umanong isentro ang paglaban sa COVID-19, trabaho ng mahigit 11,000 workers ng ABS-CBN ang nanganganib mawala.

Aniya, hindi pa kasama rito ang mga maaapektuhang tricycle drivers, karinderya, manininda, at iba pang naghahanapbuhay sa kahabaan ng Mother Ignacia Avenue.

“Hindi totoong na-dismantle ang oligarkiya. Ang na-dismantle ay ang buhay ng mga ordinaryong manggagawa. Solusyon sa krisis ang dapat hatid natin ngayon, imbes na dagdag-krisis,” sabi ni Hontiveros.

“Dati rin ako sa media. Pero higit pa dito, ako’y Pilipino na nakikiisa sa mga kapwa ko Pilipinong nalulungkot, nagdadalamhati, at natatakot sa kung ano’ng hatid ng bukas,” dagdag pa nito. (NOEL ABUEL)

165

Related posts

Leave a Comment