IPATUTUPAD ang unified persons with disability identification system sa pagtatapos ng taon.
“By the end of this year, meron na tayo[ng] unified ID system,” ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) kesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.
Ang unified PWD ID system ay hakbang ng departamento para tugunan ang malaganap na pekeng PWD IDs.
Tinuligsa naman ng Restaurant Owners of the Philippines (RESTO PH) ang malaganap na pang-aabuso ng PWD IDs para sa discounts sa restaurant at iba pang establisimyento na nagdudulot ng pagkalugi.
Sa ulat, sinalakay ng mga awtoridad ang maliit na kuwarto sa Maynila kung saan ang mga pekeng PWD IDs di umano’y pini-print, iniisyu ng Quezon City, Manila, Pasig, Muntinlupa, at Angat sa Bulacan.
Matatandaang, nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakaraang Disyembre laban sa pagbebenta at paggamit ng huwad o pekeng PWD IDs, ang nasabing pagkilos ay katumbas ng tax evasion.
Dahil dito, nalugi ang gobyerno ng P88.2 bilyong halaga ng buwis noong 2023 dahil sa PWD IDs.
Sa kasalukuyan, ang hitsura ng PWD IDs ay magkakaiba, depende sa local government unit na nagpapalabas nito. Sa unified ID system, mayroon itong ‘standard look.’
“Now that the unified PWD ID system is in its pilot implementation stage this January to June, DSWD is working on its terms of reference,” ang sinabi ni Dumlao.
Sinabi pa rin nito na nakikipagtulungan na ang DSWD sa National Privacy Commission upang matiyak ang data security sa hanay ng mga PWDs.
Ang bagong PWD IDs ay mayroong security features gaya ng Radio Frequency Identification (RFID) at maaaring iugnay ang establisimyento sa isang web page portal kung saan maaari nilang iberipika ang pagiging lehitimo ng isang user. (CHRISTIAN DALE)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)