VP SARA NAKALINYA SA CHINA – SOLONS

KAHIT ano pang sabihin ni Vice President Sara Duterte ay hindi mabubura ang katotohanan na siya ay Pro-China dahil maraming pruweba na magpapatunay nito.

Ginawa nina La Union Rep. Paolo Ortega V at Zambales Rep. Jay Khonghun ang pahayag matapos batikusin ni Duterte ang pagkampi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa United States (US) na kalaban ng China, lalo na ang pagpayag nito na mag-deploy ng missile sa bansa.

Unang sinabi ng Malacañang na hindi na ikinagulat ni Marcos ang pahayag na ito ng Bise Presidente sa Melbourne, Australia dahil kilalang pro-China ang mga Duterte.

“We agree with what Undersecretary Claire Castro said. The President is pro-Philippines. The Dutertes, as we’ve all seen, are pro-China. The Vice President can keep denying it, but her record speaks for itself,” ani Ortega.

Ayon sa mambabatas, hindi sinusuportahan ni VP Sara ang tagumpay ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa kasong isinampa laban sa China sa Permanent Court of Arbitration noong July 16, 2016 at nananahimik ito sa patuloy na pananakop ng bansa sa nasabing karagatan.

“Habang nilalabag ng China ang ating teritoryo, ang tinig ng Pangalawang Pangulo ay kadalasang katahimikan. At kung may pahayag man, ito’y paninisi pa sa liderato. That’s not neutrality; that’s evasion,” ayon pa kay Ortega.

“She can deny it all she wants, but the facts are clear. Her silence on Chinese incursions and her criticisms of the President’s foreign policy direction have long aligned with Beijing’s interests,” dagdag pa nito.

Sinegundahan naman ito ni Khonghun dahil bukod sa pananahimik ni VP Sara sa nasabing usapin ay hinayaan ng kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte ang China sa WPS kaya lalong lumakas ang loob nito na angkinin ang karagatan ng Pilipinas.

“Sa totoo lang, hindi mo pwedeng sabihing ‘hindi ka pro sa anomang bansa’ habang tinatarget ng China ang ating mga mangingisda at kababayan. Ang katahimikan mo ay kasing ingay ng pagkampi,” ani Khonghun.

Hindi rin katanggap-tanggap na sinisiraan ni Duterte ang Pilipinas sa global stage.

“Kapag ang Pangalawang Pangulo mismo ay hindi klaro kung kanino siya kakampi, mahina ang laban natin. Lalo lang nitong pinapahina ang posisyon ng Pilipinas sa harap ng mga banyagang umaabuso,” ayon pa sa mambabatas.

(BERNARD TAGUINOD)

44

Related posts

Leave a Comment