HINDI na nagawa pang makatakas ng isang 50-anyos na lalaking pasok sa most wanted persons sa lungsod ng Makati nang arestuhin ng mga operatiba sa Lipa City sa Batangas.
Kinilala ni Lieutenant Eusebio Lowaton ng Makati City Warrant and Subpoena Unit ang suspek na si Edgardo Enrique.
Sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong murder na ipinalabas ni Makati City regional trial court Judge Augusto Jose Yparraguire Arreza, huli si Enrique sa kanyang pinaglulunggaang bahay sa Barangay Lodlod sa lungsod ng Lipa.
“Amidst the continuing threat of COVID-19 SPD will continue to conduct operations against all illegal activities and wanted persons,” pahayag naman ni Southern Police District director Jimili Macaraeg. (DAVE MEDINA)
250 