WORKPLACE, POPULATED COMMUNITIES KRITIKAL SA COVID-19

ANG workplace ang isa sa mga pangunahing itinuturing ng Inter-Agency Task Force (IATF) na critical area kung saan nagkakaroon ng hawahan ng corona virus.

Ayon kay National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, kulang ang orientation ng mga manggagawa na may kinalaman para sa public safety at minimum health
standards.

Base sa kanilang pagmomonitor, nakita nilang buhay pa rin ang smoking areas sa ilang workplace partikular na sa economic hubs na aniya’y napaka-vulnerable gayundin ang pagsasalo- salo ng mga manggagawa sa oras ng kainan o break.

Itinuturing na most critical din ani Galvez ang high densely populated poor communities na dito ay hindi naoobserba ang social distancing.

Mataas din umano ang contamination sa hanay ng mismong magpapamilya na madaling magkahawahan at maisalin ang virus. (CHRISTIAN DALE)

119

Related posts

Leave a Comment