ZERO INCIDENT SA PAGBUBUKAS NG SEA GAMES — PNP

(NI NICK ECHEVARRIA)

WALANG naitalang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado.

Ito ang ipinahayag ni PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Linggo kasabay ng pasasalamat sa ipinakitang kooperasyon ng publiko para matiyak ang tagumpay sa opening ceremony sa ng Philippine SEA Games.

Sa naturang  opening ceremony, sinaksihan  ng mga manonood ang parada ng may 8, 750 mga atleta mula sa mga bansang, Brunei, Cambodia, Indonesia Laos, Malaysia Myanmar, Thailand, Leste, Singapore, Timor, Vietnam at Pilipinas kung saan ipinamalas din ng bansa ang magandang kultura at tradisyon nito sa pamamagitan ng sayaw.

Nasa kabuuang 19, 767 na mga police personnel ang ikinalat para tiyakin ang maayos na pangangasiwa ng bansa bilang host country sa pinakamalaking sports event na ito  sa rehiyon.

Gayunman, ayon kay Gamboa, mananatiling naka-alerto ang PNP upang bantayan at maiwasan ang anumang posibleng krimen sa habang idinadaos ang SEA Games.

May nakahanda ring contingency plan ang PNP sakaling makaapekto ang paparating na bagyong Tisoy sa schedule ng mga palaro para tulungan ang Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sakaling mangailangan ng mga preventive evacuation.

Ito na ang ikaapat na pagkakataong nag-host ang Pilipinas ng SEA Games, ang una ay noong noong 1981, 1991 at 2005.

Ang 30th SEA Games ay gaganapin sa iba-ibang lugar sa bansa tulad sa bagong tayong Clark City Sports Hub sa Capas, Tarlac; Subic Zambales; Laguna; Batangas; Tagaytay; Imus, Cavite; at sa bagong renovate na Rizal Memorial Sports Complex sa Metro Manila, kung saan nakataya ang 530 gintong mga medalya.

Sa 11 bansang kalahok sa SEA Games, umaasa ang Pilipinas na mapapasama sa top 3 ng 30th SEA Games.

203

Related posts

Leave a Comment