4 PATAY SA MENINGOCOCCEMIA SA BATANGAS

MENINGOCOCCEMIA-2

DOH CALABARZON – Apat ang kumpirmadong namatay sa sakit na meningococcemia sa lalawigan ng Batangas na kinumpirma ng Department of Health (DOH) – Calabarzon.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng DOH, kabilang sa apat na namatay ay tatlong mga bata simula September 22 hanggang October 4, 2019.

Namatay sa magkaparehong ospital sa bayan ng Nasugbu ang 1 taon at 2 taon gulang na mga bata noong September 28 hanggang 29 habang namatay naman ang isang 53-anyos na babae noong Sept.22 sa Tanauan, Batangas.

Kumpirmado ring namatay ang 4 na buwang sanggol na taga-Liam, Batangas sa San Lazaro Hospital sa Manila habang inoobserbahan ng ospital.,

Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang mga taong nakasalamuha ng mga namatay na pasyente habang umapela naman ang Batangas Provincial Health Office sa mga posibleng dinapoan ng sakit na meningococcemia na agad magpagamot para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Nanawagan naman si Batangas Vice Governor Mark Leviste na iwasang magpakalat ng fake news tungkol sa nasabing sakit para umano maiwasan ang magdulot ito ng takot sa Mamamayan sa probinsya.

Sinasabing nakukuha ang sakit na Meningococcemia sa direktang pakikisalamuha sa taong may sakit nito sa pamamagitan ng paghinga na puwedeng maging dahilan ng organ failure, severe disability at pagkamatay ng pasyente.

Nakakuha din umano ang sakit na ito tuwing buwan ng taglamig na kalat na rin sa ibang bahagi sa Asya.(Ni KOI HIPOLITO)

Please follow and like us:
Read More

WAR AGAINST DRUGS, DAPAT I-LEVEL UP

ILLEGAL DRUGS-2

(Ni DANG SAMSON-GARCIA)

IGINIIT ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na napapanahon na upang i-update at gawing moderno ang kampanya laban sa mga drug syndicate sa bansa.

Sinabi ni Sotto,  matapos mabunyag ang koneksyon sa pagitan ng illegal drugs operators at mga tiwaling police officers, dapat nang i-level up ng gobyerno ang mga hakbangin upang magsugpo ang problema sa droga.

“Despite the various measures currently in place to curtail this social ill, the war against it has not yet been won. Hence, the government is in a continuous search for an effective and efficient means to somehow get us closer to our victory,” diin ni Sotto.

Dahil dito, iginiit ni Sotto ang agarang pag-apruba sa kanyang Senate Bill Number 3 o ang panukala ng pagtatatag ng Presidential Drug Enforcement Authority  upang palakasin ang kampanya at magkaroon ng matalas na ngipin laban sa big-time illegal drugs peddlers at sa kanilang mga kasabwat sa mga awtoridad.

Sa ilalim ng ipinapanukalang ahensya, pagsasama-samahin ang enforcement, prosecution, prevention at rehabilitation efforts.

“Since these four have to be in sync, a supervisory agency has to step in in order to ensure that the concerned government agencies mandated to perform several duties under Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) are doing the same satisfactorily,” paliwanag ni Sotto.

Aminado ang senador na sa kasalukuyang set up, bigo ang gobyerno na mapuksa ang iligal na operasyon ng mga sindikato ng droga dahil may mga abusadong awtoridad na nakikipagsabwatan sa mga tiwali.

“We need to further dig deeper into our mental arsenal and discover new tactics to put an end to this. We all need to exhaust our ideas and efforts,” saad ni Sotto.

“After many years, we need to keep improving and put in a lot of revisions into the old law and upgrade the functions of PDEA,”  dagdag nito.

Iginiit pa ng lider ng Senado na kailangang patuloy ang pag-aadjust ng mga istratehiya at taktika upang labanan ang naiibang operasyon ng mga sindikato.

Please follow and like us:
Read More

OPERATORS NA ‘DI TATALIMA SA PUV MODERNIZATION, TATANGGALAN NG PRANGKISA

JEEPNEY

(Ni KEVIN COLLANTES)

Tatanggalan ng prangkisa ng Department of Transportation (DOTr) ang mga operators na mabibigong tumalima sa Public Utility Vehicle  Modernization Progran (PUVMP) hanggang sa deadline nito sa taong 2020.

Ayon kay Transportation Undersecretary Mark de Leon, sa taong 2020 ay bibigyan muna nila ng notice ang mga naturang operators at kung hindi pa sila tumatalima sa programa ay babawian na sila ng prangkisa.

“By 2020 bibigyan kayo ng notice, kapag hindi pa kayo gustong mag-modernize, io-open po namin ang inyong prangkisa sa ibang operators,” babala pa ni De Leon, sa panayam sa radyo.

“Let’s stick to the deadline at kung hindi kayo makaka-comply, pasensyahahan na lamang po tayo,” aniya pa.

Ayon sa DOTr,  layunin ng programa na i-modernize at i-phase out na ang mga lumang passenger jeepney at palitan ng Euro 4 compliant vehicles na kayang tumakbo sa renewable energy.

Bawat unit ng naturang behikulo ay nagkakahalaga ng mula P1 milyon hanggang P2.2 milyon.

Sa ilalim ng programa, pagkakalooban naman ng P80,000 na subsidiya ng pamahalaan ang mga mag-a-avail ng behikulo.

Ire-require din ng pamahalaan ang mga operator na may parehong ruta na i-consolidate ang kanilang prangkisa ipang maiwasan na ang kultura ng kumpetisyon sa transport service.

Paliwanag ni De Leon, sa pamamagitan nito ay magiging swelduhan na ang mga driver.

“Kapag boundary system kasi ang ating mga driver, nagiging kumpetisyon sa kalsada dahil sa pagkuha ng mga pasahero,” anang opisyal.

Umaasa naman si De Leon na sa tulong ng PUV modernization program ay magiging mas madali na rin ang sistema ng transportasyon sa bansa.

Matatandaang noong Setyembre 30 ay nagdaos ng nationwide transport strike ang ilang transport groups upang ipakita ang kanilang pagtutol sa PUV modernization program dahil hindi umano nila ito kakayanin.

Sa kabila nito, nanindigan naman si De Leon na hindi na maaari pang maantala ang PUV modernization.

Paliwanag nito, maaari rin namang makakuha ng discount ang mga operators kung kabilang sila sa isang operatiba.

Please follow and like us:
Read More

WALA AKONG ITINUTULAK NA SUSUNOD NA PNP CHIEF – LACSON

SEN LACSON-2

(Ni NOEL ABUEL)

Ipinagkibit-balikat lamang ni Senador Panfilo Lacson na may itinutulak itong susunod na lider ng Philippine National Police (PNP) sa sandaling magretiro na si PNP chief Oscar Albayalde sa susunod na buwan.

“Wala akong kilala sa mga ano ngayon. Wala akong nakasama riyan na directly nagtrabaho under me. At ni minsan hindi ako nakialam sa appointment ng CPNP especially sa ilalim ng pamumuno ni Presidents Aquino and Duterte,” giit nito.

Idinagdag pa ni Lacson na walang katotohanan na may sinusuportahan itong susunod na PNP chief kung kaya’t binabatikos nito si Albayalde  sa pagkunsite sa mga tauhan nito na tinaguriang ninja cops na sangkot sa drug recycling sa Mexico, Pampanga.

“Wala, never. Si Gen Bato naging tao ko pero talagang choice yan ni PRRD na siya maging PNP chief under his term. Pero wala akong pakialam at hindi ko rin malaman kung sino itutulak ni Gen Magalong. Kasi ano mapapala niya, e mayor siya ng Baguio ang dami ring problema roon,” sabi pa ng senador.

Kaugnay nito, tumanggi si Lacson na sumama sa panawagan na magbitiw na si Albayalde dahil sa nasabing kontrobersya na kinasasangkutan ng 13 ninja cops.

“Ang resignation, personal decision ‘yan. Hindi dapat pakialaman ng kung sino. Ang nangyayari kasi pag may ganyang kontrobersya, eventually nagre-resign din pero alam natin kaya nag-resign, pinagsabihin ng appointing authority in this case ang Presidente ng PH, sa halip na sibakin kita, mag-resign ka na lang. Di ba minsan matibay ang sinasabing hindi ako magre-resign, then after a few days magre-resign din?” paliwanag pa nito.

“Pagdating ni PRRD, at pwede magkausap sila o iparating na lang ni PRRD kay Gen Albayalde na huwag na hintayin na sibakin ka kundi mag-resign, nasa kanila yan. Pero ang voluntary resignation, personal decision yan. Doon ka magre-refer sa konsensya mo kung nararapat ba. Ikaw nakakaalam kung nararapat bang mag-resign ka o hindi,” dagdag pa ni Lacson.

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-PRESYO SA LPG HINDI MAKATUWIRAN – SEN. MARCOS

LPG-4

(Ni NOEL ABUEL)

Pinaiimbestigahan ni Senador Imee Marcos sa Department of Energy (DOE) ang malalaking kumpanya ng langis kung ano ang naging batayan ng mga ito sa ginawang napakalaking dagdag presyo ng LPG.

Tahasang binatikos ni Marcos ang mga kumpanya na nagbebenta ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos na itaas nito ang kanilang presyo at magbunga ng napakataas na halaga ng LPG sa mga pamilihan o merkado.

Sinabi ng senador na halos aabot sa P55 ang dagdag-presyo ng bawat 11 kilong tangke ng LPG matapos na ideklara ang P5 taas presyo sa bawat kilo nito.

At noong nakalipas na Oktubre 1, nagsimula nang ‘sumirit’ sa mga pamilihan ang presyo ng LPG.

“Sobra naman ang ginawang price increase ng mga kumpanyan ng LPG.  Napakataas! Makakayanan pa ba ‘yan ng isang simpleng pamilya? Ano pa ang matitira sa mga mamimili kung ganyan naman kamahal ang LPG!” galit na pahayag ni Marcos.

“Huwag nilang idahilan ang pagbomba sa mga oil facility sa Saudi Arabia dahil sa malinaw na humupa na ang tensyon sa Middle East.  Maawa naman sila sa mga maliliit na mamimili.  Tumaas na nga ang presyo ng mga bilihin, ngayon LPG naman, ano ba yan!” pahayag ni Marcos.

Idinagdag pa ng senador na delikadong gamitin ang ilang tangke ng LPG na ipinagbibili sa merkado dahil sa bulok at mahinang klase ang mga ito na kalimitan ay pinipinturahan na lamang para magmukhang bago.

“Kung minsan kulang din ang timbang ng LPG na ipinagbibili, dapat kasi 11 kilos, pero pag tinimbang  mo aabot lang sa 9 kilos o 10 kilos,” pagbubunyag ni Marcos.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng Solane ay umaabot na sa P700; ang presyo ng Gasul ay P682;  presyo ng Regasco, P669; M-Gas, P690 at Total P690. Inaasahang sa mga susunod na araw, tataas din ang presyo ng ilang brand ng LPG sa mga pamilihan.

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA PINAHIHIRAPAN BAGO PAUTANGIN

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Pinapahirapan muna ang mga magsasaka bago sila mapautang ng gobyerno sa ilalim ng Rice Tariffication Law kaya marami ang umaatras lalo na ang mga tenant o nakikisaka lang.

Ito ang napag-alaman kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas habang nasa gtina na ng pangangalap ng lagda ang kanilang mga kaalyado upang maipabasura ang nasabing batas.

“Ang mga magsasaka natin ay pinapahirapan bago maka-avail ng pautang sa kanila,” ayon kay Brosas kaya nagrereklamo umano ang mga rice farmers sa lahat ng panig ng bansa.

Nabatid sa mambabatas na bago mapautang ang mga magsasaka ay kailangang magsumite muna ang mga ito ng application form, community tax certificate, 3 kopya ng 1×1 IDs, pinapakuha ng Passbook sa National Food Authority (NFA) at certification of land holding mula sa Municipal Agriculture Office.

“So alam niyo kung gaano kahirap ano, sa mga magsasaka natin, ang kanilang pinagdadaanan bago sila mapautang,” ani Brosas kaya marami sa mga ito aniya ang nagdadalang isip na umutang.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, naglaan ang gobyerno ng P1 Billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para ipautang sa mga magsasaka.

Bukod dito, pauutangin din umano ang mga magsasaka ng tig-P15,000 o ang tinatawag na Sure Aid, subalit sangkatutak na dokumento umano ang kanilang kailangang isumite muna bago sila asikasuhin.

Dahil dito, sinabi ni Brosas na dapat ibasura umano ang nasabing batas dahil pahirap lamang aniya ito sa mga magsasaka at tanging ang mga rice importers lang ang nakikinabang.

Simula nang ipatupad ang nasabing batas ay bumagsak na sa P7 hanggang P10 ang presyo ng palay mula sa dating P22 kada kilo kaya marami umano sa mga magsasaka ang naghihirap na.

Please follow and like us:
Read More

TUNNEL SA EDSA

TUNNEL-2

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Dahil wala ng malabo nang mapalawak pa ang EDSA, iminungkahi ng isang Metro Manila Congressman na maglagay ng tunnel sa ilalim ng nasabing highway na kilala ngayon bilang pinakamasikip na kalsada dahil sa trapik.

Ginawa ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang nasabing mungkahi kasunod ng panukala ng negosyanteng si Ramon S. Ang na maglagay ng elevated steel toll expressway sa ibabaw ng EDA upang maresolba ang problema.

“A Malaysian-type SMART underneath EDSA is another option that might help solve the horrendous vehicular congestion on EDSA,” ani Romula kaya hinimok nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag-aralan din ang subway tulad ng ginawa sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Since we can no longer widen EDSA, the only options left are to put up an elevated road above and alongside the Metro Rail Transit 3, as proposed by SMC, and/or build a new motorway below EDSA,” ayon sa kongresista.

Nabatid kay Romulo na ang Malaysia ay nagtayo ng four-lane double-deck Stormwater Management and Road Tunneo o SMART na nagkakahalaga ng US$115 Million.

“SMART is basically a 4-kilometer motorway and 9.7-kilometer flood control system in one.Under normal conditions without any rainfall, the tunnel serves as a road for light motor vehicles,” anang mambabatas.

Naniniwala si Romulo na malaki ang maitutulong ito para maibsan kundi man tuluywan maresolba ang problema sa trapik sa EDSA dahil sa ngayon aniya ay tila wala na itong pag-asang lumuwag pa.

Kilala ngayon ang EDSA bilang pinakamasikip na kalsada sa Metro Manila dahil sa volume ng mga pribadong sasakyan na dumadaan dito araw-araw bukod sa mga pampasaherong bus at iba pang sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

TRACKER TEAM NG PNP KUMILOS VS JOHNSON LEE

pnp nacrolist12

(NI JG TUMBADO)

TINUTUNTON na ng isang tracker team ng Philippine National Police (PNP) ang Korean drug suspect na Johnson Lee.

Si Lee ang sinasabing target ng operasyon ng mga dating tauhan ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Lakeshore Subdivision sa Mexico, Pampanga noong 2013. Ngunit nadiskubre sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na napalaya umano si Lee kapalit ng P50 million ng grupo ni Maj. Rodney Baloyo IV na siyang pinuno ng raiding team.

Sa halip na si Lee ay isang Ding Wenkun ang iprinisinta ng grupo ni Baloyo sa piskalya kung saan kanilang sinabi na ito ang may-ari ng 38 kilo ng ilegal na droga na kanilang nakuha sa raid.

Sa naunang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay kanilang natukoy na hindi 38 kundi higit sa 200 ng shabu ang nakuha sa raid at hindi rin si Ding ang target ng operasyon kundi si Lee.

Sinabi ni Pampanga Provincial Office Director Jean Fajardo na ginalugad na nila ang lahat ng address ni Lee sa Pampanga at Metro Manila subalit hindi nila ito matagpuan.

Malaki ang hinala ng opisyal na nasa labas na ng bansa si Lee.

Please follow and like us:
Read More

HEALTHCARE, HOUSING SA SUC PERSONNEL, IGINIIT

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

UMARANGKADA na ang paghimay ng Senado sa panukalang pagbibigay ng healthcare benefits sa mga teaching at non-teaching personnel at ang in-campus housing sa lahat ng faculty members sa mga state universities and colleges.

Pinangunahan ito ng bagong buong Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva.

Tiwala naman ang senador na maisasabatas ang panukala para sa kapakanan ng mga empleyado ng mga SUC.

“The people who make up our SUCs enable our society to progress by molding our youth into competent professionals who will join the workforce and help move our country forward,” saad ni Villanueva.

“SUC personnel transform our youth into skillful individuals who we envision to uphold the long-standing reputation of our countrymen as resourceful and resilient workers regardless of the industry they belong,” dagdag nito.

Sa kanyang Senate Bill No. 346 , nakasaad na dapat lamang na pagkalooban ng reasonable at comprehensive health care coverage faculty members at regular non-teaching personnel.

Iginiit ni Villanueva na sa pamamagitan nito ay hindi lamang maiaangat ang job satisfaction sa SUC personnel, kung hindi matitiyak ang maayos na kalusugan ng lahat ng tauhan.

Nakapaloob naman sa Senate Bill 716 ang pagakakaloob ng in-campus housing sa  faculty members depende sa criteria at standards ng programa.

“Qualified faculty members shall have the right to stay in in-campus housing units during their lifetime to ensure that they will be able to live comfortably in the home they grew accustomed to,” saad ni Villanueva.

Layon anya nito na maprotektahan ang mga faculty members sa inconvenience sa paghahanap ng alternative housing at paglilipat sa kanilang pagtanda.

 

 

Please follow and like us:
Read More